EPILOGUE

785 25 27
                                        

"Elia! Aries! Dewy!" Pagtawag ko sa mag-aama ko.

Nasaan kaya ang tatlong 'yon. Pumunta ako sa kusina, umaasang nandoon ang tatlo pero wala.

"Nasaan sila? Iniwan ako?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan ang number ni Aries. Hindi pa rin siya sumasagot. Sunod kong tinawagan ay si Eze.

"Hello, Eze! Nasa inyo ba sila Aries? Ah...sige. salamat!" Binaba ko na ang tawag. Wala rin daw sakanila.

Pumunta ako sa garden dahil 'yun nalang ang lugar sa bahay na hindi ko pa napupuntahan.

Natawa naman ako ng makita ko ang itsura ng garden. May mga lobong nakasabit pero hindi pantay at maraming kalat?

Itsura palang ay alam ko na agad na ang tatlong makulit ang may gawa.

"Happy birthday, mama..."

Nakita ko ang tatlo na lumabas sa gilid. May bitbit na cake si Aries habang si Elia naman na ngayon ay 3 years old na ay may bitbit na petals at nagkakalat. As in nagkakalat lang siya. Si Dewy naman na ngayon ay malapit na mag 7 years old ay nakangiti sa akin habang may hawak na lobo.

Sa loob ng halos 4 na taon naming pagsasama ni Aries simula ng ikasal kami ay walang taon na hindi niya ako sinurprise. He never change even a bit till now. He's still the sweetest and the cutest!

"Happy birthday, mama...happy birthday happy birthday, happy birthday, mama!" Sabay-sabay na kamta ng tatlo. Syempre ang matinis na boses ni Elia ang nangingibabaw.

"Thank you! Nagkalat pa kayo sa garden. So appreciated." I said and they laughed. Ako naman kase talaga ang naglilinis taon-taon din.

"Happy birthday, mama!!!" Matinis na sigaw ni Elia at tumakbo ito palapit sa akin. Binuhat ko nama ito at hinalikan sa pisnge.

"Thank you, baby! Pero next time 'wag ka na magkakalat ng ganito ha."

Tinawanan lang naman ako nito. Sunod na lumapit sa akin si Dewy.

"Happy birthday, mama. I love you." Sabay halik sa pisnge ko.

"I love you most!"

Lumapit si Aries na may hawak na cake. Sinamaan ko naman siya ng tingin pero ngumiti rin pagkatapos. I do appreciate their efforts. I just love teasing them.

"Happy birthday, babe! Make a wish na."

I closed my eyes to make a wish.

I wish to have more years with the three of you.

I opened my eyes and ready na akong hipan ang kandila ng sabay-sabay nilang hinipan tatlo.

"Hey! Ang daya n'yo!" Reklamo ko na tinawanan lang nila.

Hinalikan naman ako ni Aries sa noo at hinila sa ginawa nilang picnic para kumain.

"Sino nagluto?"

Sabay tinuro ni Elia at Dewy ang ama.

"I improve a lot!" Pagtatanggol nito sa sarili.

Aries is determined to learn how to cook kaya naman sa loob ng tatlong taon ay siya palagi ang nagluluto ng breakfast kahit na madalas ay ayaw itong kainin ng mga anak. Of course, as an amazing wife, ako ang umuubos ng pagkain na niluto n'ya.

Binigyan ko lang siya ng nagdududang tingin bago tinikman ang pasta na niluto niya.

"How is it?" Kinakabahan nitong tanong. Nakaabang din ang dalawa naming anak para tignan ang reaksyon ko.

I shrugged as I eat. "You improved. Good job, babe." I winked at him.

Tinawanan ako nito at kinurot sa pisnge. Kumain na rin ang dalawang anak namin. Si Elia naman ay nagpasubo sa ama nito habang si Dewy ay kumakain sa tabi ko.

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon