6

653 26 0
                                        

"Dewy 'wag kang lalayo ha!"

Sunday ngayon kaya naman naisipan kong dalhin sa park si Dewy para makapaglaro at makapagadjust dito sa Bulacan. Hindi naman kase pala kaibigan ang anak ko. Kahit noong nasa Siargao pa kami ay kami lang din ang magkasama. Sana makakuha siya ng mga kaibigan dito.

Grabe, nararamdaman ko na ang pagtanda ko. Hindi ko na kinakayang mag jogging nang malayo ngayon.

"Psst! Bata!"

Tinawag ko 'yung bata na dumaan sa tabi ko. Isa siyang batang babae at sa tingin ko ay magkasing edad lang sila ni Dewy.

"Bakit po?" Tanong nito pagkalapit sa akin.

"Can I ask you a favor? Muka ka kasing mabait eh tapos ang pretty pretty mo pa." Nakangiti kong sabi sakaniya.

Ngumiti ito at umupo sa tabi ko.

"Thank you po! Sabi rin po ng mommy ko pretty talaga ako. Ano po 'yung favor mo?"

"Nakikita mo 'yung batang lalaki na 'yon? 'Yung cute na chinito?"

Tinuro ko pa si Dewy na nasa isang sulok at mag-isang naglalaro. Ang sakit lang makita na nag-iisa siya kaya sa tingin ko ay kailangan kong mangealam ng konti.

"Yes po. The one with pink shirt po diba?"

"Yes, pretty girl. Can you play with him? His nice and really cute. Bagong lipat lang kase kami rito eh. Hindi rin siya mahilig makipag friends."

Tinignan ako nito at si Dewy bago muling ngumiti at tumango.

"Sure po! I love making friends po. What's your name po pala?"

I caress her hair. "You can call me tita Ciello. I'm his mom."

"Nice to meet you po tita pretty! I promise to make a lot of friends with him po." And with that ay tumakbo na ito papunta kay Dewy.

Wish ko lang wag niyang sukuan ang kasupladuhan ng anak ko.

Nabaling naman ang atensyon ko sa cellphone ko ng tumunog ito.

Video call?

"Anong trip n'yo mga babaita?" Bungad ko pagkasagot ko sa video call namin.

"Punta kayo sa birthday party ko!" Pag-iimbita ni Mary.

Masyado na kaming naging busy sa kaniya-kaniya naming career pero syempre hindi pa rin naman nakakalimutan ang isa't-isa. We still got each other's back.

"Aba! May pa party ang fokfok!" Sabi naman ni Ferds.

Napangiti ako ng may hindi nakalagpas sa paningin ko sa background ni Ferds.

"Hoy Ferds! Napaka fokfok naman! Kaninong braso 'yan ha?!"

Natawa ako ng makita kong nagmadali itong bumangon at inulan na ng katakot-takot na tanong at pang-aasar sa girls.

"Boba! Napaka boba mo, Ciello! Sino kaya 'yung nahuli kong nakikipag-date sa tatay ng anak niya?" Ganti nito kaya naman ako naman ang inulan ng tanong.

"Bonak! Tatay nga ng anak ko diba?" Pagmamayabang ko pa.

"Hoy! Talagang pumunta kayo sa party ko. Ang daming ganap ha! We need informations. We need update!" Sabi naman ni Mary.

"Bakit 'yung jowa mo nag-update na ba?" Nakangising tanong ni Jane kay Mary.

"Oo nga. May information ka na ba sa jowa mo?" Segunda naman ni Marie.

"Hey! Bakit may mga jowa tsaka tatay ng anak?" Naguguluhang tanong ni Klaire. Himala at nakasagot siya ngayon. Ang busy na nito masyado eh.

"Wala, Klaire. Mamatay ka sa pag-iisip kapag hindi ka pumunta sa birthday ni Mary." Pang-aasar naman ni Ferds.

Love At First ThrustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon