"Mommy!"
Yumakap ako rito pagkakita ko sa kusina.
"Ay juskong bata 'to! Nagulat naman ako sa'yo." Humarap ito sa akin at inayos ang ilang hibla kong buhok na nalaglag sa pagkaka-ayos.
It's nice to be here. I love it everytime they baby me.
"Anong niluluto mo, mommy?"
Nginitian ako nito. "Your favorite."
"Yey! Buti nalang inagahan namin ni Dewy ang punta."
"Nasaan ang apo ko?" Tanong nito ng hindi makita si Dewy sa loob ng kusina.
"Kasama ni daddy."
Umupo ako sa stool habang kumakain ng yelo.
"Kumusta ang pagbubuntis mo?"
Napangiti ako. "I'm delighted. Inaalagaan po akong mabuti ni Aries at ni Dewy. They're spoiling me. Naeenjoy ko po ang pagbubuntis ko ngayon, mommy."
Napangiti naman din ito. "Buti naman. Hindi naman talaga ako nag-aalala dahil alam kong may nag-aalaga sa'yo...sa inyo ni Dewy. Hindi na ako nag-aalala."
I smiled sweetly and caress my baby bump. Medyo malaki na rin ito.
Aries and Dewy made it bearable for me. They always make sure that I'm comfortable. They are the sweetest!
"Anak,"
Napatingin naman ako kay mommy na umupo sa tabi ko at hinihimas ang buhok ko, like a kid.
"You grew up well. You know how much I'm proud of you, right?" Nakangiti nitong sabi pero may mga luha na nagbabadya.
I don't know if it's hormones kaya naiiyak na rin ako.
"I am who I am today because of you and daddy."
Titig na titig ito sa akin. "My baby..."
Yumakap ako rito. "I will always be your baby, mommy."
"I just can't believe na dati tumatakas ka pa makagala lang, dati ni kutsilyo hindi mo mahawakan...but look at you now, you're a mother of two."
Pinahid ko naman ang mga luha nito. Hindi ko nga alam kung bakit kami nag-iiyakan ni mommy. Pumunta lang naman ako para makikain eh.
"Dati, lagi akong nag-aalala sa'yo kung sino mag-aalaga sa'yo, kung sino makakasama mo sa buhay dahil hindi madaling maging single mom pero ngayong nakita mo na ang tatay ng mga anak mo at nakikita ko kung gaano ka niya kamahal...okay na ako. Okay na kami ng daddy mo. Ang tanging gusto namin ay maging masaya ka, anak. You deserve all the happiness the world could offer."
Tuloy pa rin ako sa pagluha dahil sa nga sinasabi ni mommy. "Mommy naman, gusto ko lang naman makikain bakit pinapaiyak mo ako."
Natawa naman ito sa akin at pinahid ang mga luha ko.
"I'm so excited to meet my second grandchild. Sana babae!" She said cheerfully na akala mo hindi nagdrama.
I chuckled. Naalala ko na naman kung paano sila magplano ng baby shower kasama ang dad ni Aries.
"Oo nga pala, kailan ang kasal niyo? Bago ka ba manganak or after?"
Nginitian ko naman si mommy. Napag-usapan na rin naman namin 'to ni Aries kaya confident na akong makakasagot.
"After ko po manganak, mommy. Medyo malaki na rin kasi tiyan ko eh." Pinakita ko pa ang tiyan kong may kalakihan na.
Tumingin na naman ito sa akin na parang maiiyak.
BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomansDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.