Huminga muna ako nang malalim ng ilang beses bago ko napagpasiyahan na buksan ang pinto ng bahay.
"Mama! You're home!"
Nagulat ako ng makita ko kaagad sa bungad si Dewy at tumatakbo na ngayon palapit sa akin.
Nakita ko siyang lumilinga sa likuran ko. Tinitignan kung may kasama ako.
Pilit akong ngumiti at lumuhod sa harap ng anak ko para magpantay kami.
"Hi, love. Did you have fun playing with kuya Dawin?" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
May sinusupil itong ngiti sa labi. "Where's papa? Is he coming?"
Nawala ang pekeng ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng malungkot na ngiti.
"I'm sorry, anak."
Nawala ang ngiti nito sa labi. "Papa does not love me? He does not want to see me?"
Agad akong umiling. "No, anak. No. Hindi ganoon."
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at pilit na pinapatingin sa akin dahil nakayuko na ito ngayon.
Parang hinihiwa ang puso ko ng makita ko ang sunod-sunod na paglaglag ng luha nito.
Agad ko naman itong niyakap habang nag-uunahan na rin sa pagtulo ang mga luha ko.
"Love, stop crying. It's not what you think. Your papa loves you. I-it's just papa and mama doesn't talk that much. Mama needs to explain to papa everything but he truly loves you."
Hindi ito sumagot sa akin at umiyak lang ng umiyak. Ang mahinang pag-iyak nito ay nauwi sa malakas at masakit na iyak kaya naman hindi ko na rin malaman ang gagawin ko.
"Sshh...Anak please stop crying. Mama is here. Mama is here, baby." Binuhat ko ito at pilit na pinapakalma.
"Anak, anong nangyayari? Bakit kayo umiiyak ng apo ko?!" Natatarantang tanong ni mommy pagkababa niya ng kwarto mula sa taas.
"Mommy si Dewy ayaw tumigil sa pag-iyak. Nahihirapan na pong huminga." Natataranta kong sabi.
"What's happening here?!" Gulat na tanong ni daddy ng maabutan kami sa ganoong sitwasyon.
Lumapit ito sa akin.
"Daddy si Dewy ayaw tumigil sa kakaiyak. Anong gagawin ko? Nahihirapan na ang anak ko sa paghinga, daddy!" Nagpapanic na ako.
Kinuha ni mommy sa akin si Dewy. Hindi ko pa nga dapat ibibigay pero hinawakan ako ni daddy sa braso.
Umiyak ako rito. "Daddy 'yung anak ko..."
Hinagod lang nito ang likod ko para ako ang pakalmahin.
Si mommy naman ay inutusan ang isa naming kasama sa bahay na tawagin ang doctor sa kapit-bahay.
Si mommy ang nagpapakalma kay Dewy habang iniintay ang doctor para kahit papaano ay hindi ito mahirapan.
Si daddy naman ay pilit akong kinakalma sa isang sulok.
"D-daddy, si D-dewy...ang anak ko, daddy." Iyak lang ako ng iyak.
"Hush now, nandiyan na ang doctor. Magiging maayos na ang anak mo. Kumalma ka. Everything will be fine. Everything will be okay. I'm here, anak. Daddy is here."
Hawak nito ang kamay ko habang hinihimas ang buhok ko para kumalma.
Inabutan ako ng tubig ni daddy at pilit na pinainom iyon sa akin para kumalma ako. Nanginginig ang mga kamay kong ininom iyon.
I really can't handle things like this when it comes to Dewy. Hindi ko kayang nahihirapan ang anak ko. Nagpapanic ako.
Lumapit ang doctor kasama si mommy sa pwesto namin kaya agad akong napatayo.

BINABASA MO ANG
Love At First Thrust
RomanceDoes a one night stand can become a long time commitment? I believe it takes a minute to be starstruck and another minute to feel the emotion called love.