ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 1
After years of studying, changing careers, I guess I can consider myself successful. Wala pa akong naiipundar na kahit na ano pero masaya ako para sa sarili ko. Everything is a boss move as long as you are happy.
Hindi naman kailangang sumunod sa agos ng buhay palagi at sa idinidikta ng lipunan. Eh, ano kung mukha kang adik na sumasagwan taliwas sa agos ng ilog? 'Yun ang gusto mo, eh. Kahit pa ba sabihin nila na pinahihirapan mo ang sarili mo, basta ba iyon ang gusto mo at doon ka masaya.
De, basta bahala kayo sa gusto niyong gawin. I’m just saying, if you let the society control you then you will not be happy. You’ll stay alive but not truly living, and that’s just sad.
Siguro sasabihin ng karamihan na hindi ko naman naiintindihan. Hindi nga siguro, tsaka mahirap sabihin lalo na at wala naman ako sa sitwasyon pero sinasabi ko pa rin. Alam niyo na, baka sakali na makatulong. Baka sakaling may ma-inspired.
Basta, paminsan -minsan unahin ang sarili. Wala namang masama doon. Alam ko naman maraming factors na kailangang isaalang -alang, kaya nga paminsan -minsan, eh. Di ko naman sinabing lagi.
Anyway, I finally got the job I wanted in a firm that is respectable and reputable, and I will start next week. Nag quit ako sa trabaho ko noon, not because it's hard, but because it sucks.
Nareject din ako ng paulit ulit sa kung saan saan at na-disappoint ako sa sarili ko at na frustrate ako, pakiramdam ko rin na failure ako, tsaka inisip ko rin na consequence 'yon ng pag q-quit ko n'on. Pero kahit pa, bullshit pa rin sa dati kong workplace, ni-walang HMO.
Pero sana lang talaga ay okay yung magiging bagong workplace ko. Mukhang okay naman ang boss ko base sa assessment ko sa kanya sa dalawang beses ko siyang na-meet.
Ngayon ay nakatayo ako sa harap ng apartment building na nakita ko online noong nakaraan lang. Ten minutes away siya sa trabaho, maganda ang location at neighborhood, at mukhang maayos namang kausap ang landlord, tapos siya pa mismo ang magiging roommate ko. Sabi niya tingnan ko raw muna ‘yung apartment bago ako mag decide kung gusto ko. Pero desidido na ako, may dala na nga akong mga gamit kaagad. Sa pictures pa lang kasi ay maganda na talaga yung apartment kumpara sa iba, medyo mataas ang renta pero talagang quality. Ayaw ko rin kasi ng bahay na basta na tutulugan.
“Drew?” Untag sa akin ng isang lalaki na naka sunglasses.
“Sir?” Sagot ko at kumunot ang noo ko.
“I’m Spencer. Buti nakita mo kaagad itong building. I’m expecting you.” Sabi niya at mabilis kong inabot ang kamay niyang nakalahad. So, siya pala ang landlord ko? Parang may ibang lahi lalo na nang alisin niya ang suot niyang sunglasses, tapos parang di naman kami masyadong naglalayo ng edad.
“Nice to meet you, Sir.”
“Call me, Spencer. Halika, tingnan mo iyong apartment.”
“Kukuhanin ko na.”
Napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa maleta na dala ko.
“And I assume you’re planning to move in today?” Tanong niya at halatang namamangha siya.
“Yes, Sir.”
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romance(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.