ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 5
Ang sabi ko, ako ang ngingiti ng tagumpay pero si Charli ang matamis ang pagkakangiti at nakatayo sa may tapat ng building.
Napakunot ang noo ko. Sa pagkakatanda ko ay mas mabilis sa bus lane kaysa sa kalsada kung saan dumadaan ang mga taxi at pribadong sasakyan.
“Good morning, Von Andrew.” Bati ni Charli.
Pinaningkitan ko siya at humalukipkip ako. Duda ako kung anong ginawa niya.
“Kita na lang tayo sa bahay mamaya. I’m sure mauuna ako ulit.” Confident na sabi niya bago tumalikod at naglakad papunta sa building nila. Napasimangot naman ako dahil expected kong mananalo ako.
-
Naisuklay ko ang daliri sa buhok ko.
Anak ng ketchup, may shortcut pala kung naka private vehicle ka mula sa apartment hanggang dito sa opisina. Bakit hindi ko ba naisipang mag search kanina ng ibang daan?
Mamayang hapon ay hindi ako papayag na maunahan ako ni Charli pauwi. Mag t-taxi na rin ako.
Binilisan ko ang trabaho at halos hindi na lumabas ng silid. Tinapos ko kaagad ang mga dapat kong gawin.
Maigi na lang din at mukhang good mood yung boss ko, kasama yung dalawa niyang anak sa opisina at mukhang hindi rin naman siya yung tipo na nag uutos palagi.
Nang makita kong sampung minuto na lamang at alas sinco na ng hapon ay nagligpit na ako kaagad ng gamit. Saktong alas sinco ay uuwi na ako para maunahan si Charli.
-
“What the …” Mabilis kong kinusot ang mga mata ko dahil tama bang nakita si Charli na nasa harap na ng café at kausap si Sammy.
“Papaanong narito ka na kaagad?” Tanong ko kay Charli na tsaka lamang ako napansin nang magsalita ako.
“Ah, magandang hapon sa’yo, Von Andrew.”
“Papaanong narito ka na? Alas sinco ang out natin pareho, nag taxi rin ako at doon dumaan sa shortcut. Papaano ka nauna sa akin?”
“Sumabay ako kay Sammy. Baka mas mabilis lang talaga ang naging byahe ko kaysa sa’yo.” Ngumiti siya sa akin at alam kong may kasamang yabang ang ngiti niya.
“Wait, nag r-race kayo papasok at pauwi sa trabaho?” Tanong ni Sam.
“Yes, at so far talo siya sa parehong pagkakataon.” Proud na sabi ni Charli.
Damn. Napaka smug ng itsura ni Charli. Ngayon ay alam ko na kung ano ang tingin niya sa akin sa tuwing natatalo ko siya. Double damn, this is petty, I feel petty for feeling revengeful for this silly race. Triple damn if I let her beat me again.
Hindi na ako papatalo kay Charlizard.
“Namnamin mo na ang tagumpay mo ngayon, Charlizard dahil hindi na yan mauulit pa.” Sabi ko at humalukipkip.
“We’ll see.” Sagot lang niya at ngumiti sa akin.
“Hey, may naisip akong rule. Hindi tayo aalis ng bahay before seven thirty. Hindi ako para gumising ng sobrang aga para rito, same sa walang mag a-undertime sa atin sa trabaho. That would be cheating.”
Tumaas ang kilay ni Charli. Sigurado akong naisip niyang agahan ang alis sa bahay kaya ngayon pa lang ay dapat malinaw na.
“Fine. Walang aalis before seven thirty ng umaga at walang mag a-undertime sa work. Okay, hindi ko rin naman para pabayaan ang trabaho ko para rito.”
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romansa(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.