ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 16
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganito ni Charli. Pero hanggang ngayon ay nakayakap pa rin siya sa akin at ganoon din naman ako sa kanya. Hindi na siya umiiyak pero humihikbi pa rin siya ng ilan at sumisinghot.
Malapit na ring maubos ang tissue na nakapatong sa lamesa ko pero wala naman problema doon.
"Are you hungry?" Tanong ko sa kanya. Marahan siyang kumilos sa kandungan ko para lamang umayos ng upo.
"No." Sabi niya at suminghot ulit. Pero taliwas sa sinabi niya ang sinasabi ng tiyan niya. Kumalam ang sikmura niya at mukhang nahiya siya dahil sumubsob siya sa leeg ko.
Oh, my cute little Charlizard.
"Sige na, anong gusto mo? Oorder tayo." Tanong ko at sinuklay ulit ang buhok niya gamit ang daliri ko. "Or gusto mo bang umuwi na tayo?"
"No. Ayaw kong umuwi ng ganito. Mag aalala sina Sammy." Sabi niya. Sa balikat ko ay nakapaikot ang dalawa niyang braso.
"Then, do want to go somewhere or mag stay lang tayo rito? Your choice." Sabi ko.
"Okay lang ba kung dito muna tayo? Hindi ka ba mapapagalitan ng boss mo?" She asked. Damn, she's too cute. Mapula ang pisngi, ilong, mata. Kahit anong gawin niya sobrang cute niya. Kahit umiiyak na siya, sobrang cute pa rin niya.
Ah, Drew, you're lost.
"No, hindi siya magagalit." Sagot ko. Hindi ako sigurado kung hindi magagalit ang boss ko pero mukha naman kasing napaka -chill niyang tao, hindi rin sila mahigpit sa pagtanggap ng bisita. Welcoming ang firm, kahit sino ay tinatanggap. I don't think Boss Tom will mind if I bring Charli here everyday.
"Thank you, Drew." Sabi niya. Akma siyang tatayo at aalis na sa kandungan ko pero humigpit ang hawak ko sa bewang niya.
"No, stay here. Dito ka lang sa'kin. It's okay, I don't mind." I whispered. Tumingin siya sa akin and I gave her a gentle and sincere smile. At least that's what I'm going for. Mukha namang iyon ang na perceive niya dahil yumakap siya sa akin at umunan ulit sa balikat ko.
"Mag oorder na ako ng pagkain, anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Siguradong matamis ang hahanapin nito.
"Gusto ko ng sweets." Sabi niya at napangiti ako. Tama ang hula ko.
"Cake? Pastry? Doughnuts? How about everything?" Tanong ko.
"Gusto ko ng cheesecake, tapos gusto ko rin ng doughnuts." Sabi niya then she sobbed again.
"Hey, bibili tayo ng cheesecake at doughnuts, tahan na." Sabi ko sa kanya.
"May cupcake pa ako sa ref sa office. Binili ko kaninang lunch break, I was planning to eat it sa coffee break ngayong hapon... baka may kumain na n'on." Sumbong ulit niya sa akin at nagsimula na naman siyang umiyak. "Hindi na na nga ako na promote, kakainin pa nila yung cupcake ko."
"Shh, ibibili na rin kita ng cupcake." Sabi ko pero umiyak pa rin siya.
"Ninakaw na nga yung idea ko, pati ba naman cupcake ko?" Sunud -sunod na naman ang paghikbi niya. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang luha niya.
Seriously, she's too cute. Gusto ko ng irecord ang pag iyak at sinasabi niya. Not that I'm making fun of her. I will never, but she's so precious and pure and cute.
Hinigpitan ko ulit ang yakap sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
"I got you, okay?" Sabi ko at tumango naman siya. "Bibili tayo ng cheesecake, ng cupcake at ng doughnuts. Ano pang gusto mo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romance(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.