Chapter 28

2.3K 179 51
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 28

"You know what, forget it." Sabi ni Charli at mabilis na bumaba. Nilampasan niya ako na tila ba hindi ako nag e-exist doon.

"Charli, wait." Tawag ko ngunit hindi niya ako nilingon. Nanatili naman akong nakatayo r'on at nag iisip ng sasabihin kung sakaling lingunin niya nga ako pero narealize ko na wala naman akong masasabi. Pero bumaba rin ako hanggang makarating sa second floor pero nakasara na ang pinto sa kwarto ni Charli at masama ang tingin sa akin ni Sammy, Claude at Spencer.

"What did you do?" Tanong ni Claude sa akin at mabilis akong umiling.

"Nothing." Saad ko pa.

"Then maybe that's why." Sagot naman ni Sam at nagbuntong hininga.

"I – I need to talk to her."

"... and what will you tell her? Akala ko pa naman masaya kayong bababa pareho pero hindi iyon ang nangyari." Dagdag pa ni Sammy.

"You know what she told me?"

"Yes. Ngayon na g-guilty ako kasi I gave her a push."

"Wait, I'm not following. Anong nangyari?" Si Spencer naman na nakakunot ang noo.

Hindi ko na naman hinintay kung sasagot pa si Sammy o hindi. Bumalik na ako sa itaas at kinuha ang cellphone ko. Sinubukan kong tawagan si Charli pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

But maybe it's for the best, because I really don't know what to tell her.

Napabuntong hininga ako at naihilamos ang kamay sa mukha ko.

Damn, I'm an idiot.

-

"Man, you led her on." Sabi ni Austin. Nakasimangot naman si Spencer at nakahalukipkip. Kaming tatlo lang ang sabay na naghapunan dahil ayaw kaming kasabay ng mga babae sa ibaba.

"I didn't."

"Damn you. Gusto kong kumain ng niluto ni Claude." Sabi ni Spencer. Nanghihingi pa ng ulam si Spencer kanina pero hindi siya binigyan ni Claude.

"Man, we all know you led poor Liz on to something you could not offer." Ulit ni Austin.

"I – ."

"Yes, you did. You swayed her heart left and right with your antics, Drew."

"Sinusunod, hinahatid, pinapakain, you also slept with her. I also heard from the girls that you've kissed Liz several times."

"Look, we just slept. Wala kaming ibang ginawa." Sabi ko pero hindi tumingin kay Spencer at kay Austin. Ayaw kong magsinungaling pero iyon ang ginawa ko kahit pa alam kong hindi lang basta pagtulog ang napagsaluhan naming dalawa ni Charli.

"Kahit pa, daig mo pa ang syota niya kung mga aksyon mo ang pagbabasehan. Pero gusto mo si Liz, hindi ba?" Tanong ulit ni Spencer.

"Yes." Sagot ko pero naihilamos ko rin ang kamay ko sa buhok ko.

"Then start there." Saad ni Austin.

"Yes. Dahil mukhang damay kaming dalawa ni Austin sa problema mo."

"Huh? Hindi ako, hindi naman talaga ako pinapansin ni Samantha, ikaw ang damay dahil pinaakyat ka rito ni Claude." Si Austin. Nagbuntong hininga na lamang ako dahil wala rin namang kwentang kausap ang dalawang ito. Uunahin pa ba naman nila ako, eh meron din silang pino-problema? Namely, Sam and Claude.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon