ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 24
"Kailangan ko ng plus one." Sabi ni Charli sa amin. Nasa apartment namin sila maliban kay Sam at nanunuod ng movie sa malaking TV. Si Spencer lang at ako ang mukhang nanunuod dahil busy si Claude pag e-edit habang si Austin naman ay mukhang busy rin pag t-trabaho.
Tumingin kaming lahat sa kanya.
"Sa wedding ni Chase." Dagdag niya.
"Ako na. Nagtatanong ka pa, mag v-volunteer na ako. Hanggang sa kasal mo mag v-volunteer na ako." Sabi ko at iniunat ang binti ko sa center table.
"Ano namang gagawin mo sa kasal ko?"
"Groom mo, ano pa ba?" Nang sabihin ko iyon ay nakatingin na rin sa akin iyong tatlo. Tumigil sa pag e-edit si Claude, huminto rin sa pag t-trabaho si Austin at ako naman ang pinapanuod ni Spencer.
"What?" Tanong ko. Si Charli naman ay napakurap sa akin.
"Wow, man. Big talk." Sabi ni Austin.
"Ma v-volunteer na nga ako para ako na lang ang bubugahan ng apoy ni Charli." Sabi ko pa at ngumisi.
Mukha namang hindi sila kumbinsido sa sagot ko. Pero nagkibit balikat na lang din ako. Sinasabi lang lang naman ang nasa isip ko.
"Right, so Chase's wedding is happening soon and you're going to be my plus one." Sabi ni Charli sa akin.
"Given na 'yon, Charlizard." Sabi ko.
"Okay." Sabi niya at mabilis na tumalikod para bumaba sa apartment nila.
"Napaka nice niyo namang magkaibigan. May nalalaman ka pang magiging groom niya." Sabi ni Spencer habang nakangisi sa akin.
"Hayaan mo sila, Spence." Sabi ni Austin. Tumayo naman si Claude at bumaba na rin sa apartment nila. "Now, it's us three again." Sabi ni Austin at napapailing sa aming dalawa. "Pareho lang naman kayong dalawa. Takot ba kayo sa commitment at kapag may nagtatanong sa relasyon ninyo ng mga girls sa ibaba ay sinasabi lang ninyo na friends kayo? Obvious naman na hindi lang kayo basta magkaibigan."
"We're friends." Sabay na sabi namin ni Spencer at natawa lang sa amin si Austin.
"You both act more than just a friend to the girls."
"And you act like you know a lot." Balik ni Spencer dito.
"I do know a lot."
"Marami ka bang experience sa pakikipag relasyon? Marami ka bang naging girlfriend?" Tanong ko naman.
"You don't need to date a lot of women to know, you just need to date the right one." Sabi ni Austin.
"Don't ask him that. Si Sammy lang ang naging girlfriend ng isang 'yan." Si Spencer.
"Seryoso?"
"Yes." Si Austin na mismo ang nag confirm. "Iyang si Spencer ang nakarami ng girlfriend. Baka kaya ngayon ay parang takot sa commitment. Ikaw, Drew? Bakit takot ka sa commitment?"
"Hindi ako takot sa commitment." Sabi ko dahil hindi naman talaga ako takot sa commitment.
"Then what are you doing with Lizzie?" Tanong ni Austin at nairita ako sa itinawag niya kay Charli.
"Don't call her that." Saway ko.
"You get to call her "Charli" but I can't call her "Lizzie"?"
"Just call her "Liz" like everyone else." Dagdag ko pa habang nakasimangot.
"Ah, kumpirmado. Endearment pala 'yon." Sabi naman ni Spencer.
"We should drink. Mas matindi pala itong si Drew kaysa sa'yo, Spencer. May endearment siya kay Liz habang ikaw naman ay wala kay Claude." Sabi ni Austin at kay Spencer na nakatuon ang atensyon.
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romance(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.