Chapter 7

2.2K 146 36
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 7

“Gusto mong sumabay?” Tanong ko kay kay Charlizard. Nang makita ko siyang naglalakad papunta sa may bus stop ay inihinto ko ang motor ko sa harap niya at itinaas ang visor ng helmet ko. Pang inis ko lang din sa kanya dahil alam kong mas mauuna ako at alam ko na mapipikon ko na naman siya.

“No, thank you.” Sagot niya at tinaasan ako ng kilay. Inirebolusyon ko naman ang motorbike ko at umikot ang mata niya. “Ang yabang mo. Umalis ka na nga at mauna ka na pauwi. Abutin ka sana ng ulan.” Sabi niya pa pero nang tumingala ako ay maaliwalas naman ang langit.

“Hindi naman uulan, Charlizard. See you na lang sa bahay.” Sabi ko at ngumisi pa sa kanya bago inayos ang helmet ko at pinasibad na ang motorbike ko. Kita ko naman sa side mirror na nagpapadyak na naman at nakaikom na naman ang mga palad niya.

-

Halos dalawang oras na akong nasa bahay pero wala pa rin si Charlizard. Napabuntong hininga ako at tinanaw ulit ang bus stop. Wala pa rin talaga siya. Papunta siya kanina sa bus stop nang daanan ko siya, paanong hanggang ngayon ay wala pa siya? Minasahe ko ang batok ko, dapat ay late lamang siya sa aking ng mga ten minutes at hindi dalawang oras.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at nagsimulang i-dial ang number niya. Nang hindi siya sumagot sa pangatlong attempt ko ay kumatok na ako sa apartment nila sa ibaba. Hindi ko kaagad nakilala ang nagbukas ng pinto dahil naka facial mask siya, nakabalot sa towel ang buhok niya at naka kulay pink siyang robe.

“Oh, hi Drew, come in.” Boses ni Sammy. So si Sammy pala ito. Kung sabagay, dalawa lang naman ang pwedeng magbukas ng pinto ngayong wala pa si Charli. Si Sam at Claude lang.

“Thanks.” Sagot ko at pumasok sa loob ng bahay nila. Nakita ko naman na narito pala si Spencer at wala sa café. Nakahiga siya sa carpeted area ng living room habang nakaunan sa hita ni Claude at mayroon ding facial mask. Kasalukuyang nilalagyan siya ni Claude ng pipino sa mata at natawa ako nang kuhanin ni Spencer ang isa sa mga pipino at isubo iyon. Pinalo naman ni Claude ang kamay ni brad at mahinang kinagalitan ito.

“Wala pa rin si Charli. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot sa tawag ko.” Sabi ko at tumunghay sa akin sa Claude.

“Baka nag overtime ulit siya, diba sabi niya marami silang client ngayon?” Sabi ni Sammy.

“Hindi. Nakita ko na siya kanina na naglalakad na papunta sa bus stop at kanina pang alas sinco ‘yon. Mag aalas siete na, wala pa siya. Ang alam ko uuwi na siya kaya dapat kanina pa rin siya narito.” I explained.

“Here, use my phone. Call her, baka kaya hindi sumasagot ay dahil ikaw ang tumatawag. Baka rin naman may pinuntahan lang siya, minsan umuuwi rin ng late si Liz.” Sabi naman ni Claude.

Dinampot ko ang cellphone ni Claude at nagsimulang i-dial ang number ni Charli. Mabilis akong napalingon sa pinto nang makarinig ako ng nag r-ring na cellphone. Ang kasunod noon ay ang pagbukas ng pinto at si Charli na pumasok habang kasalukuyang binubuksan ang bag.

“She’s here. You may calm down now, Drew.” Sabi ni Spencer. Pinatay ko naman ang cellphone at ibinalik iyon kay Claude.

“Hi guys, good evening.” Bati ni Charli.

“Good evening, dear. Next time nga kapag medyo ma l-late ka ng uwi mag message ka sa amin kasi may nag p-panic dito.” Sabi ni Sammy at nakatingin sa akin.

“True, at kanina ka pa rin tinatanaw sa labas. Actually, everyday kang tinatanaw niyan kapag nauuna siyang umuwi.” Sabi naman ni Claude na bumalik na sa paglalagay ng pipino sa mga mata ni Spencer.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon