Chapter 17

2.3K 176 66
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 17

“How’s your girl?” Tanong ni Boss Devlin nang dumating ako sa opisina.

“Okay na naman siya.” Sagot ko lang. “Ngayong umaga, she seems better.”

“You guys are living together?” Tanong ni Boss.

“Ah, nakatira siya sa second floor habang nasa third floor ako.”

Tumaas ang kilay ni boss at parang may gusto pa siyang ibang sabihin pero hindi na lang niya sinabi.

Nag vibrate ang cellphone ko at pumasok na ako sa opisina ko.

May message galing kay Charli. Litrato iyon ng cupcakes na naka display sa café ni Spencer.

“I’ll eat cupcakes for breakfast.”

“You can eat anything you want, Charlizard.”

“I’ll eat this for lunch as well.”

“Send me a pic of your lunch, kumain ka rin ng iba aside sa cupcake.”

“Okay.”

“May ipapabili ka ba?”

“Wala naman. Basta umuwi ka lang agad.”

“Okay, see you later.”

Yup, I’ll see her later.

-

Umuwi agad ako nang matapos ang trabaho ko gaya ng sinabi ni Charli. Under time nga ako dahil alas quatro pa lang ng hapon ay umuwi na ako.

Nang dumating ako sa bahay ay nakaupo sa sofa si Charli at nakaharap sa laptop niya. Mukhang abala siya dahil ni hindi niya napansin na nakapasok na ako.

“Hey …” Bati ko.

“Oh, narito ka na pala. Maaga ka.” Sabi niya at maganda ang ngiti niya. Mukhang hindi siya umiyak maghapon. Good.

“Yup, umuwi talaga ako ng maaga para sa’yo.” Sabi ko at yumuko siya sa laptop niya at isiningit ang buhok sa likod ng tenga niya.

Naupo ako sa tabi niya at sinilip ang ginagawa niya.

“What are you doing?” Tanong ko. Placing my head on her shoulder.

“Ah, request ng brother ko. Mag p-propose na siya sa girlfriend niya and he asked me to help him plan it.” Sabi niya. Pumalakpak pa siya at mukhang excited na naman siya.

“May kapatid kang lalaki?” Tanong ko.

“Yes. Mas matanda lang siya sa akin ng dalawang taon.”

“Magkalapit lang ang edad niyo. May iba ka pang kapatid?” Tanong ko.

“Yes, may Ate rin ako then isa pang kuya.”

“Bunso ka?”

“Yes.” Sabi niya at ngumiti siya sa akin. Then nag open siya ng folder sa laptop niya at ipinakita niya ang family pictures nila.

“This is my mom and dad.” Turo niya sa parents niya sa screen. “Tapos sister ko, husband niya … their kids. Ito naman yung kuya ko na isa at wife niya, may baby na rin sila …” Kwento niya sa akin habang pinapanuod ko siya. She’s so cute and beautiful talking about her family.

“Tell me about your childhood.” Sabi ko.

“Fun. Palagi kong kaaway ang dalawa kong kuya. Pinag kakaisahan kasi nila ako pareho, ha, palagi nilang sinisira ang mga manika ko, gumanti na ako kinalaunan.”

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon