Chapter 3

2.8K 154 15
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 3

Napangiti ako nang makita ko sa bus stop si Charli. Akalain mo nga naman at hindi rin siya overtime.

"Charlizard." I sing-song. She groaned and rolled her eyes.

"Mauna ka ng umuwi, ayaw kitang kasabay." Sabi niya.

"Bakit pa? Iisa naman tayo ng uuwian. Sabay na tayo."

"No, thank you." Sabi niya at dumistansya siya ulit sa akin.

Nang dumating ang bus ay mabilis siyang sumakay at doon siya naupo sa may nakaupo na rin kahit may mga bakante pang upuan sa likuran.

Kaya naman tumayo ako sa gilid niya at nang tumingala siya sa akin ay yumuko naman ako at ngumiti sa kanya. Ten minutes lang naman ang byahe, dalawang kanta lang 'yon at bababa na rin kami.

Nag earphones ulit siya katulad kaninang umaga at piniling hindi ako pansinin. Nag b-browse siya sa Pinterest ng wedding theme.

Napakunot ako at napaisip. May boyfriend yata 'tong si Charli, baka ikakasal na rin 'to kung nag b-browse na ng pangkasal, eh. Nasa edad na rin naman kami at marami na rin kaming mga ka-batch na nagsipag-asawa na. Ako lang naman yata itong mag t-treinta na pero hindi pa rin nakakaisip mag asawa.

Nang makababa kami ng bus ay sinabayan ko siya sa paglalakad na hindi naman mahirap dahil ang isang hakbang ko ay dalawa niya.

“Charlizard, mag aasawa ka na ba?” Tanong ko.

“Huh?” Sagot niya at kumunot din ang noo niya. Mukhang nabigla sa tanong ko.

“Tinatanong ko kung mag aasawa ka na. Nakita ko kanina na nag b-browse ka ng wedding ideas sa Pinterest.”

“Can’t I just browse because I want to?” Sagot niya at inirapan ako.

“Curious lang ako.” Sabi ko naman, so ibig sabihin hindi pa siya mag aasawa. Naalala ko n’ung college, sa pagkakatanda ko may boyfriend siya bago kami maka-graduate, yung palaging nakasunod sa kanya.

“Diba n’ung nag graduate tayo may boyfriend ka? Kayo pa rin ba?”

“None of your business.” Masungit na sabi niya.

“Break na kayo kung ganyan kang sumagot.” Sabi ko at ngumisi pero sinamaan lamang niya ako ng tingin.

“Tsk tsk, nakipag break ka ba sa kanya o siya ang nakipag break sa’yo? Curious ako, i-share mo naman sa akin, Charlizard.” Pang aasar ko pa at huminto siya sa paglalakad para humarap sa akin. Napatigil din naman ako at tumingin sa kanya.

“I can kill you. Alam mo ‘yon?” Sabi niya at inihampas sa akin ang bag niya. Hindi naman kalakasan o baka naman malakas na sa kanya ‘yon pero dahil kakapiraso naman ‘tong si Charlizard ay hindi ako nasaktan man lang.

“You can but you won’t.” Dagdag pang inis ko pa.

“One day, I will!” Singhal niya sa akin at hinampas pa ulit ako ng isa bago niya ako tinalikuran at padabog na naglakad pauwi sa amin. Natatawa ako nang sa pag akyat sa hagdan ay lumalagabag ang bawat hakbang niya. Pinipilit magdabog at magsungit ni Charlizard.

-

“Mainit na naman ang ulo ni Liz. Dahil na naman daw sa’yo.” Sabi ni Spencer at lumawak ang ngiti ko sa narinig ko.

“Magkasabay kaninang pumasok at umuwi.” Sabi ko lang.

“What did you do to her before? Bakit ayaw na ayaw naman yata niya sa’yo?”

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon