Chapter 4

2.7K 135 14
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 4

Sobrang galing ko lang talaga.

Nakahalukipkip si Charlizard at mukhang mambubuga na ng apoy habang masamang masama ang tingin sa akin. Unahan na lang sa pamimili pero hindi pa rin talaga siya nanalo sa akin. Kakapiraso naman kasi, isang hakbang ko ay ilang hakbang niya. Cute.

Si Spencer, Sam at Claude ay mukhang libang na libang na nanunuod sa amin kanina. Hindi sila bias at hinahayaan lang kami ni Charlizard.

“I will accept my defeat today, but we will not settle the score now.” Sabi ni Charlizard. Lumawak ang ngiti ko sa ideya na may kompetisyon pa ring mangyayari sa susunod.

“Mag iisip na ako ng magiging kasunod na competition niyo.” Sabi ni Sammy.

“Or we could try an online game.” Suggestion naman ni Spencer.

“Pero sa ngayon, ang may point ay si Drew. I’m excited to see the next event.” Mukhang ang opisyal na magiging taga tally ng score namin ay si Claude.

“So, let’s eat. I’m famished.” Sabi ni Spencer at inakbayan kaming dalawa ni Charlizard. “Pinapasaya niyo akong dalawa.” Sabi niya pa at ang ganda ng ngiti sa amin.

Ako naman ay ngumiti na rin pero hindi si Charli. Nakasimangot pa rin siya at masama ang tingin sa akin.

-

Gabi na nang dumating kami sa bahay at napakarami naming bitbit.

“Ako na.” Sabi ko at pinigilan si Charli na buhatin ang isang kahon na alam kong mabigat.

“Kaya ko naman.” Sabi naman niya sa akin at pinilit na buhatin ang kahon. Alam ko rin na mahihirapan lang siyang iakyat iyon kaya mabilis kong kinuha iyon mula sa kanya.

“Alam kong kaya mo, pero mahihirapan ka lang iakyat ito sa itaas kaya ako na. Dalhin mo na lamang iyong magagaan d’yan.”

“Kaya ko naman kasi talaga at hindi ko kailangan ng tulong mo.”

“Alam ko rin ‘yan, pero ako pa rin ang mag aakyat nito sa itaas. H’wag ka ng masyadong maligalig at hindi mo ito utang na loob sa akin kung iyon ang iniisip mo.”

Nang sumimangot si Charli ay nasigurado kong ayaw niyang magkaroon ng kahit na anong pabor mula sa akin. Kinuha na niya ang ibang bag na may lamang pinamili rin namin.

Nakasunod ako sa kanyang umakyat at nilingon niya ako para lang irapan. Napangiti naman ako dahil talaga namang nilingon pa ako, at syempre di ko naman palalagpasin ang pagkakataong ito para mang-asar ulit.

“Alam ko rin na magandang lalaki ako, bibigyan pa kita ng picture ko para matitigan mo ako, Charlizard. Hindi mo na ako kailangang lingunin pa.” I teased. Narinig kong natawa sa likuran ko si Spencer na may dala ring kahon.

“Ew!” Si Charli na mukhang labis ang pag r-reject sa sinabi ko.

Tumawa lang naman ako at sumunod lang sa kanya hanggang sa maikyat namin ang lahat ng napamili namin.

Sa apartment namin ni Spencer ay sinimulan na rin kaagad ng mga girls ang pag d-decorate. Ayon kay Claude ay matagal na nilang gustong ayusin ang apartment ni Spencer pero dahil nga hindi naman nila makumbinsi ang huli at lagi lamang nasa café kaya hindi nila magawa.

“Magluluto ako ng dinner para sa ating lahat dahil may mga gamit na kami ngayon sa kusina. Sasarapan ko dahil pakakainin ko pa si Charli.” Sabi ko nang nasa 3rd floor na kaming lahat.

“Okay, ipakita mo sa amin ang cooking skills mo.” Si Sam na bitbit ang iba ring pinamili namin.

“Start na ba ngayon ng dinner mo with Liz?” Tanong ni Claude.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon