ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 13
“Napaka aga namang manliligaw n’on. May pabulaklak pa.” Sabi ko at naupo na rin sa lamesang inalisan ni Sam. Naroon pa rin si Claude at Spencer.
“Hapon na, brad. Ala una na talaga, tanghali ka lang nagising.” Sabi ni Spencer at nang tumingin ako sa wall clock ay ala una na nga ng hapon.
“Kilala mo ba ‘yon?” Tanong ni Claude.
“Oo. Ex ni Charli ‘yon. Naging mag -on sila noong college.” Sabi ko at itinuloy na lang ang pag inom ko ng kape.
“Ah, ex pala ni Liz. Eh, ikaw?” Tanong ni Spencer sa akin.
“Huh?” Kunot noong tanong ko. Ano naman ako? Ano namang kinalaman sa akin?
“Hayaan mo nga sila, magsulat ka na lang, hindi ba sabi mo magsusulat ka ngayon, ala una na wala ka pang naausulat.” Sabi ni Claude at pinatayo si Spencer.
“P’re, labanan mo kasi.” Sabi ni Spencer sa akin bago sila parehong umalis ni Claude sa kusina at iwanan ako.
Kumunot ang noo ko pero umiling lang ako at tumayo na rin. Hindi ko na pinansin at inisip ang sinabi ni Spencer at bumaba na lang din ako sa second floor.
Baka kailangan ako doon sa ibaba. Mahirap ng iwanan si Charli doon sa hindi ko naman kakilala, baka kung anong gawin ni brad sa Pokémon ko.
-
Hindi naman nagkatabi sa upuan si Charli at si Simon nang dumating ako. Nasa may kusina sila at magkaharap sila. May kape na ulit si Charli at ganoon din naman si Simon.
Magkape na rin kaya ako ulit?
Nasa living room si Sammy at naupo ako sa tabi niya sa sofa.
“Hi, Drew.” Sabi ni Sam sa akin.
“Hi, Sam.” Sagot ko naman. Bakit ba namin binabati ang isa’t isa eh magkasama na kami kanina at magkakasama rin kami rito sa apartment.
“Hindi ka pa kumakain, kumuha ka ng pagkain sa kusina. Si Liz hindi pa rin kumakain, pakainin mo ma nga rin. Tinanghali na rin kasi ng gising ‘yan.” Sabi ni Sammy at tumingin ako kay Charli at Simon. Maigi pa nga siguro ay pakainin ko na rin ang dalawang ito lalo na si Charli.
Umalis ako sa living room at nagpunta na sa dining.
“Kumain na muna kayong dalawa. Sabay sabay na tayong tatlo.” Sabi ko.
“Oh right. Hindi ka pa kumakain.” Sabi ni Charli sa akin at tumayo siya para kumuha ng mga pinggan at kubyertos.
Nang makapaghayin kami ay hinila ko ang upuan sa tabi ni Charli at naupo roon. Sa harap namin ay naroon si Simon.
“What’s up, Simon? Papaano mo nalaman ang bahay namin?” Tanong ko sa kanya.
“Oh, itinanong ko kay Liz kagabi.” Sagot niya at kay Charli siya nakatingin. Kagabi lang tinanong pero narito na kaagad ngayon. Tumaas ang kilay ko at gusto ko sanang sabihin na parang napabilis naman siya pero hindi ko na syempre sinabi.
“Ah, makikipag reconnect ka ba kay Charli?” Tanong ko. Napansin kong umisod si Sammy sa sofa na mas malapit sa amin.
“Ha? Ah yes.” Sagot niya habang kay Charli pa rin nakatingin. Tumingin naman sa akin si Charli at pinandilatan niya ako. Naramdaman ko rin ang pagkurot niya sa hita ko pero ngumiti lamang ako.
“Ah, ‘yan pala ang plano mo. Good luck.” Sabi ko at nanatiling nakangiti.
Wala na ‘to, hindi nauubra ‘to.
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romance(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.