Chapter 15

2.3K 174 54
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 15

Hindi ako makatulog at kanina pa ako pabiling biling sa kama ko. Wala na si Spencer sa living room nang lumabas ako, baka nasa second floor si brad o baka naman nasa café.

Bumaba ako at nang pagbaba ko sa second floor ay mukhang aakyat naman si Charli sa third floor.

Pareho kaming natigilan.

“Nasaan na ang manliligaw mo?” Tanong ko sa kanya. Nasa second floor na kami sa harapan ng pinto nila. Nang humakbang kasi ako paabante ay umatras siya ng bumalik.

“Huh, pinauwi ko na.” Sagot niya sa akin. Nakapang-bahay na si Charli, suot na niya ang oversized t-shirt at ang maiksing maong na shorts niya. Sobrang cute na naman niya habang naka bun ang buhok niya pero mainit pa rin ang ulo ko.

“May plano ka bang sagutin ‘yon ulit?” Tanong ko. Alam kong nakasimangot ako at hindi ko gusto ang tono ng boses ko habang kausap si Charli. Alam ko sa sarili ko na dapat akong kumalma.

“Ano?”

“Tinatanong ko kung plano mo bang sagutin ulit si Simon.”

“Drew, what’s wrong with you?” Tanong ni Charli at nakakunot na ang noo niya. Umatras siya at napasandal siya sa pader malapit sa pinto nila. Noon ko lang narealize na humakbang na pala ako ulit paabante sa kanya. Huminto ako.

Tama si Charli, what is wrong with me?

“You tell me, Charli.” Sabi ko at nakatitig sa kanya.

“Bakit ako? Ikaw ang magsabi. Hindi ko naman alam kung bakit parang galit ka sa akin. Kanina ka pa. Hindi mo ako pinapansin, hindi mo ako kinakausap ng maayos mula pa kanina tapos ngayon itatanong mo sa aking kung plano ko bang sagutin si Simon.”

“Dahil gusto kong malaman ang isasagot mo.”

“Kung ganoon pala ay bakit ka nagagalit?” Tanong niya sa akin at hinampas niya ang dibdib ko gamit ang dalawang kamay niya.

Mukhang naiinis na naman sa akin si Charli. Good, naiinis din ako. Pareho na kaming mainis.

Damn, her punches are still weak, and she’s so cute pouting.

“I don’t like that guy. I don’t like that guy from work either. Ayaw ko rin kay Doc.”

“What do you mean?”

“Walang para sa’yo sa kanila.”

“Who are you to tell me that?” Tanong niya at naroon ang talim sa boses niya, idagdag pang masama na naman ang tingin sa akin.

“No one! I am no one! I know that, I have no right to tell you who to date. You can choose and date whoever you want. But they don’t deserve you.”

Imbes na sumagot si Charli ay pinaghahampas niya ang dibdib ko.

“Who deserves me then?”

Nang hindi ako sumagot ay lalo lang nanggigil sa akin Charli ay braso ko namam ang inupakan niya.

“Answer me! Nakakainis ka! Nakakainis ka! You’re acting this way but you’re not making sense! You’re annoying! You’re frustrating!” Sigaw niya sa akin.

“Yes, I know and this whole thing frustrates me too!”

“Then what are you going to do about it?! Just stop me? Will you stop me? What?! Sagutin mo nga ako! Nakakanis ka rin! Anong gagawin mo? Sumagot ka!”

Hindi pa rin siya tumitigil sa paghampas sa dibdib ko. Damn, I’m angry, and she’s so cute. Too cute, too fucking cute it hurts.

“This.”

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon