Chapter 33

2.3K 140 32
                                    


ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 33


"So, may sungay at buntot na pala ako sa'yo noon, Charli?" I teased and nudge my forehead on her shoulder.

"Shut up." Pagsusungit ni Charli sa akin.

"'Yung may sungay at buntot sa year book, boyfriend mo na ngayon." I teased again at hinampas niya ako sa braso. Nasa may backyard kaming dalawa at nakaupo sa alfresco area nila. Ayon kay Chase at Ana ay mag coffee raw kami rito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila lumalabas na mag asawa. Parang nasa love bubble pa rin kasi silang dalawa.

"Aasarin mo lang ba ako dahil sa ginawa ko sa year book?"

"Yes. May crush ka sa akin dati noong college tapos sinungayan mo ako sa year book, palagi mo pala akong naiisip noon. Crush mo ako tapos galit ka sa akin. Tch. I love you na talaga, Charlize Ann."

"Sira!" Hinampas na naman niya ako sa braso.

Ngumisi ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya dahil nanghahaba na naman ang labi niya. 

Napaka cute.

Yumuko ako para lapatan sana siya ng halik si Charlizard nang bumukas ang pinto at lumabas si Dad. Kasunod niya si Chase at si Ana na may dalang kape.

Napatuwid naman ako ng upo. Kahit ang tanda na namin ni Charli bigla pa rin akong nakaramdam ng hiya. Parang ganoon din naman si Charli dahil dumistansya rin siya sa akin.

Dad cleared his throat and gave us a questioning look. Pakiramdam ko teenager kami bigla ni Charli.

Sir, nahalikan ko na po ng maraming beses si Charlize Ann. Pati nga po sa ano ...

"May brownies si Mommy." Sabi ni Chase at inilagay na sa lamesa ang kape.

Tumango lang kami ni Charli pero nagkatinginan pa rin kaming dalawa. Pareho kaming nagpipigil na matawa dahil lang sa muntik na kaming mahuli.

-

Charli and I shared a look and we almost burst out laughing when they gave me the room farthest from hers. Kwarto yata ito ng isa pang kuya ni Charli noon na malapit sa kwarto ng parents nila.

"Babantayan yata ako ng Daddy mo, Chaleng." Bulong ko kay Charli. Humawak siya sa braso ko at nakangiting tumingala sa akin.

"Akala niya yata hindi ka good boy, Dudong."

"Hindi naman talaga minsan, Chaleng." Sabi ko at kumindat sa kanya.

"What do you mean?"

"You know. Your Dudong is naughty at times." Sagot ko at muli siyang kinindatan. Nang kumunot si Charli at agad na tumingin sa paligid upang tingnan kung may nakakarinig sa amin. Dinugsungan ko naman ang kapilyuhang sinasabi ko. "This good boy Dudong might visit you in your bedroom tonight, my Chaleng."

"My bedroom?!" She whispered yell and covered my mouth. She pushed me to wall with her eyes wide open.

"Liz? Drew?" Pareho kaming napalingon at nakita namin si Chase na nakataas ang kilay sa amin.

"Nothing is happening here, Chase." Sabi ni Charli dahil nananatili pa rin sa bibig ko ang kamay niya.

"I see nothing, I heard nothing about visiting bedrooms, so I'll be on my way." Nakangising saad ni Chase bago kami tuluyang iniwan. Binitiwan naman ako ni Charli at pinandilatan ako.

"You are so annoying." She said and rolled her eyes, then she giggled.

-

"Chaleng ko, gising ka pa ba?"  Text ko kay Charli sampung minuto matapos kaming papasukin sa mga kanya-kanyang silid na naka assign sa amin.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon