Chapter 2

4K 173 47
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 2

Malaki na kaagad ang ngiti ko nang makita ko si Charlizard sa ibaba ng building. Mukhang papasok na siya sa trabaho. Cute pa rin, naka-palda siyang printed tapos naka ankle boots siya. Ah, naaalala ko sa kanya si Jessica Day ng New Girl sa porma niya. Bagay sa kanya at maiksi naman ang mga biyas niya.

“Charlizard! Good morning!” Sigaw ko mula sa third floor. Tumingala siya pero masama ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako at itinaas sa kanya ang tasang hawak ko pero tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa bus stop. Natatanaw ko siya dahil mula sa puwesto ko ay kita ko kung bus stop at ang highway.

“Hindi raw ‘yan lumabas kagabi talaga sa sobrang inis sa’yo.” Sabi ni Spencer sa likuran ko, ngumisi lang ako dahil iyon naman talaga ang purpose ko. Ang inisin si Charlizard at successful naman ako kahit second day ko pa lang dito. “Small world, akalain mo nga naman na magkakilala pala kayo.” Dagdag pa niya.

"Oo, mula noong college ay ngayon lang ulit kami nagkita na dalawa."

Sagot ko habang nakatanaw pa rin kay Charli na hindi pa rin nakakasakay sa bus. Hindi naman kasi siya nakikipagsiksikan sa ibang commuters. Kung sabagay, sa liit niya baka naman mapisa siya at matabunan ng mga kasabay niya.

Look, she's not really small, I think she's at least 5'3 pero basta, cute size pa rin siya para sa akin.

"Hindi ko nakitang mainis si Liz mula nang tumira siya rito. Kagabi lang." Sabi ni   Spencer.

"Gaano na ba siya katagal dito?" Tanong ko sa kanya.

"Almost three years na rin siya rito, at kahit minsan hindi ko pa siya nakitang umasta katulad ng kagabi. She's always nice and sweet."

"My fault. Sisihin niyo na lang ako." Nakangisi ko lang na sagot sa kanya.

Mabait naman talaga si Charli, masarap lang asarin.

Kahit naman noong college, marami na nagsasabi na mabait siya. Ako lang talaga ang lason sa kanya.

Umiling lang si Spencer at iniwan na akong mag isa. Nakatanaw pa rin ako kay Charli na sa pangatlong bus pa nakasakay, palibhasa n’un lang naubos ang mga kasabay.

Pumasok na rin ako sa loob ng apartment dahil wala na naman akong tinitingnan at hinihintay na makasakay ng bus.

-

Kinahapunan matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay lumabas ulit ako para mamasyal sa neighborhood. Huminto ako sa cafe na nasa ground floor.

Nakita ko si Spencer na nasa loob ng cafe at nakaharap sa laptop niya. Katabi niya si Claude na may hawak namang papel na makapal na naka binder clip.

Papasok na sana ako nang makita ko rin na naglalakad na si Charli galing sa may bus stop kaya humarap ako sa kanya at ibinulsa ang dalawang kamay ko habang pinapanuod siyang lumakad papunta sa direksyon ko.

Napapangiti na lang ako habang pinapanuod ang paglalakad niya. Hindi pa niya ako napapansin dahil nakatingin siya sa cellphone niya. May ilang metro pa ang layo niya nang mag angat siya ng tingin at napatigil din siya nang makita ako.

Naka headband siya na may ribbon habang naka bun ang buhok niya. Ganitong ganito rin ‘to noong college kami.

Ang sama ng tingin niya sa akin pero nagsimula na ulit siyang maglakad. Wala naman siyang ibang pupuntahan kasi dahil nasa tapat na ako ng apartment building namin.

“Hello, Charlizard. How’s your day?” Tanong ko nang malapit na siya sa akin.

“Nasira dahil sa’yo.” Narinig kong sagot niya pero nilampasan niya ako at para pumunta sa café. Nakangisi lang ako at sumunod sa kanya, at nang bubuksan na niya ang pinto ay hinawakan ko rin ang handle ng pinto para itulak iyon para sa kanya. Nakayuko ako at nakangiti sa kanya pero mas lalo lang sumama ang tingin niya sa akin. “Lumayo ka nga sa akin.” Sabi niya sa akin at itutulak pa sana ako pero hindi niya ginawa dahil parang mas ayaw niyang hawakan ako.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon