Chapter 9

2.1K 155 65
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 9

“Gusto mong mas malayo ang pasyalan natin?” Tanong ko kay Charli nang matapos kaming kumain ng pizza, chicken at ice cream. Inubos din naming dalawa ang isang one point five liters na soft drinks.

Ah, buti na lang at hindi ganoon karami ang nakain ko kanina sa apartment. Nasabayan ko si Charli.

Tumawa kaming pareho nang magkasabay pa kaming dumighal ng malakas.

“Bakit? Saan tayo pupunta?” Tanong niya.

“Bumalik muna tayo sa apartment.” Yaya ko sa kanya. Nang tumayo ako ay ganoon na rin naman ang ginawa niya.

Nang makarating kami sa apartment ay binuksan ko ang garahe at kinuha ang dalawang helmet.

“Want to take a stroll?”

“Huh? Mag m-motorbike tayo? Gabi na.” Sabi niya.

“May ilaw naman ang kalsada at may ilaw rin naman ang motor ko, Charli.” Sabi ko at isinuot sa kanya ang helmet na libreng kasama ng motorsiklo, bumili pa ako ng mas maangas kasi para sa akin kasi nga mayabang ako gaya ng sabi ni Charli. Hindi, biro lang. Gusto ko lang ng kulay itim lang na helmet.

“I’ve never been on a motorbike.” Ninenerbyos na sabi ni Charli.

“Seryoso?” Tanong ko at tumango naman siya ng mabilis.

“Oo, first time ko ngayon.” Sabi niya, at lumawak ang ngiti ko.

“I’ll be gentle.” I teased at sinuntok niya ang braso ko.

“Sira!”

“Bakit?” Pa-inosente kong sagot habang hindi inaalis ang pilyong ngiti sa labi ko.

“Bastos!”

Lalo lamang lumawak ang ngiti ko at inayos ko lang ang helmet niya.

“H’wag kang mag alala, may proteksyon naman tayo.” Dagdag ko pa at itinuro ang helmet. Muli niya akong sinuntok sa braso.

“You’re annoying.” Sabi niya at akmang aalis pero hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan siya.

“Hindi na, I’ll behave.” Sabi ko at humalukipkip naman siya. Inalis ko rin ang hoodie ko at isinuot iyon sa kanya. Tiyak kasing lalamigin siya lalo pa at naka sleeveless lamang siya.

“Mag e-enjoy ka, I promise.” Pilyong sabi ko ulit at lumapat sa akin ang pangatlong suntok niya.

“Tara na nga lang, sira ka.” Sabi niya. Isinuot ko ang sarili kong helmet at ini-start ang motor ko.

“Come on.” Sabi ko at tumingin siya sa ibaba. Noon ko narealize na iniisip niya ang pag hike up ng skirt niya kung naka astride siyang sasakay tulad ko. “Ride sideways and hold on to me.” Sabi ko at inilahad ang kamay ko para alalayan siya.

Nang makaupo siya ay inabot ko ang dalawang kamay niya at ipinaikot iyon sa bewang ko.

“Higpitan mo ang yakap sa akin. Got it?” Tanong ko at naramdaman ko ang ang pagtango niya at ang paghigpit ng yakap niya sa bewang ko. “Just enjoy the ride.” Saad ko pa bago pinasibad ang motorsiklo ko.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon