Chapter 23

2.5K 193 85
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 23

Nang makauwi kami ni Charli sa bahay kinahapunan ay napatigil ako bago pumasok sa apartment namin. Nasa tamang building ba ako? Bakit iba na yata ang itsura ng bahay namin?

There's a new huge ass television in the middle of the living room, pati na rin ang awesome speakers kagabi ay naka install na rin sa pader. Bakit may punching bag na rin sa may malapit sa kusina? Maghapon lang akong nawala pero sobrang daming napadagdag sa bahay.

Ano at saan nanggaling ang mga gamit na ito?

"Welcome home, Drew." Si Austin iyon at lumabas mula sa kwarto niya.

"Hi, thanks."

"I ordered food, mga fifteen minutes lang siguro ay narito na rin 'yon." Sabi niya at naupo sa chaise dala ang laptop niya. Wait, wala pa kaming chaise kaninang umaga.

Wala naman akong imik na pumasok na lamang sa kwarto ko para magbihis.

-

Nang lumabas ako ng kwarto ay tinawag na pala ni Austin sina Sammy sa ibaba. Nakaupo sa sofa si Charli at mukhang hinihintay ako.

"Charlizard..." Tawag ko sa kanya. Tinapik naman niya ang sofa indikasyon na maupo ako sa tabi niya.

"Anong nangyari sa apartment niyo?" Tanong ni Charli sa akin.

"Hindi ko alam. Pag uwi ko ay iba na ang hitsura at sobrang dami ng mga bagong gamit."

"Mas lalo na naging mukhang frat house itong apartment niyo." Komento pa ni Charli.

"I don't mind. Para ngang na miss ko bigla ang mga kapatid ko. Iinggitin ko nga si Robin sa mga gamit na narito." Sabi ko. "Anyway, how's Chase?"

"You should call your brothers." She said while stroking my back softly. "Okay naman si Chase. He wants to get married this year."

"Ah, may ilang buwan pa siya bago naghanda. Ikaw rin ba ang tutulong sa kanya? Marami ka ng clients."

"Next year pa naman daw si Miss Mia at si Atty. Wesley. Si Atty. Tom naman ay ganoon din yata, si Atty. Dev at Lillian lang ang this year so kaya ko naman maasikso kung pareho silang ikakasal ni Chase."

"I'll help you." Sabi ko at inakbayan siya. Humilig naman siya sa akin at matamis na nguniti pero sabay lang kaming napatuwid ng upo dahil napansin naming nakatingin na pala sa amin ang apat na kasama namin.

"Want to be in my arms again, Sammy?" Sabi ni Austin pero gusto kong maawa ng kaunti kay brad dahil wala man lamang naging reaksyon si Sammy. Kahit taas ng kilay o make face ay wala.

"Kumain na kayo." Tawag ni Claude sa amin at tahimik naman kami ni Charli na nagpunta sa dining area.

"Tsaka pa kayo nag moment kung kailan narito rin kami. Di ako nagrereklamo, pinansin ko lang." Spencer teased.

"Inggit ka lang." Sagot ni Charli kay Spencer at pinigilan kong matawa dahil hindi yata ineexpect ni Spence ang rebut ni Charlizard.

That's my girl.

"Hindi rin." Sabi ni Spencer. Lumayo naman si Claude rito at nagkangitian na lang kami ni Charli.

-

"Charli ..." Tawag ko sa kanya nang dumating ang weekend. Nauna siyang umuwi sa akin dahil nag half day siya. Magkikita raw kasi sila ni Chase.

Pero ngayong nasa apartment na kami pareho ay may gusto akong itanong sa kanya. Nakaupo siya sa may dining area at tinutulungan si Claude sa pangungusina.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon