Chapter 32

2.7K 152 56
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 32



Ah, I never considered my life bad, but heck, I didn't expect that it will be better.

Araw -araw ay sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Charli galing sa trabaho. Kapag ginagabi naman siya at pinapauna niya ako ay binabalikan at sinusundo ko siya tuwing tapos na siya sa mga tasks niya.

Pero ngayong hating gabi at sinundo ko siya ulit ay parang may masarap upakan. Nasa tapat ako ng building nila at nakasandal sa motor ko nang lumabas si Charli ay alam ko na kaagad na galing siya sa pag iyak.

Kumunot ang nook o at lumapit sa kanya.

"Hi." Sabi niya at pinasigla ang boses niya.

"What happened?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Wala naman, bakit?" Sagot niya pero nag iwas siya ng tingin.

"Come on, what is it?" I asked again. My protective instinct is spiking up.

Tumitig lang sa akin si Charli at umiling.

"Tara na muna. I'll tell you later." Sagot niya at kinuha na ang helmet na nakapatong sa motorsiklo at isinuot na niya ng kusa iyon.

Inayos ko ang skirt niya bago sumakay rin. Ngumiti ulit siya ng tipid sa akin at yumakap na sa bewang ko.

-

"Okay, what is it?" Tanong ko sa kanya sa may parking area namin sa apartment.

"This time, I'm really going to quit." Saad niya at humibi.

"What happened?"

"I got a memo for insubordination. It was a written warning. Mayroon kasi kaming hinahabol na deadline. Kahapon dapat 'yung submission pero hindi nagawa. It wasn't really my fault. I finished my part n'ung Monday pa, pero naging kasalanan ko kung bakit hindi na i-submit kahapon. Then I received a memo today. Then I got reprimanded again an hour ago." Then she started sobbing.

"Oh, baby." I pulled her to me and wrapped my arms around me.

"Ilalaan ko na lang yung oras ko sa kasal ng mga co-workers mo. I'll make it a career then after this at walang nangyari sa akin then I'll apply to another company. I'm a good worker, I'll find a good place to work. Iyong hindi ganito." Saad niya sa pagitan ng mga paghikbi niya.

"That's the spirit, and I'll be here. Hindi kita pababayaan." I said and kissed her forehead.

"I know. Thank you, Drew."

"Now, let's start writing your resignation letter."

"Haha, I've already written one a year ago." Sagot niya at ako naman ang natawa.

"Alright, let's go upstairs. Ikwento mo pa sa akin ang nangyari ngayong araw."

-

"Your boss is an asshole. Would you like to work for me?" Sabi ni Austin. Charli and I blinked.

"Seryoso ka ba?" Tanong ko kay Austin dahil naramdaman ko na humigpit ang hawak ni Charli sa braso ko.

"Yup. Charli's an accountant. She could help me with my business and other matters."

"Ano bang trabaho mo, brad?" Tanong ko kay Austin.

"Uhm, I am currently planning to start a business and I could use some help." Sagot niya at tumingin ako kay Charli. "Wala pa nga lang akong maayos na compensation scheme sa'yo, Liz since magsisimula pa lang talaga ako."

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon