Chapter 27

2.5K 179 45
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 27

Dumating na sina Spencer at Sam kagabi. Si Claude naman ay sinundo ni Spencer ngayong thirty first. Ako, si Sammy at Charli naman ay nanatili sa apartment. Wala ng gustong lumabas para mamili ng lulutuin sa dinner dahil pare-pareho silang pagod so lahat ng pagkain para sa New Year's Eve ay take outs at delivery.

Pero nang sumapit ang tanghali ay nagpunta na ang dalawang magandang babae sa spa. Mag r-relax daw silang dalawa.

Naiwan na naman ako kasama ni Austin na umiinom ng kape na galing sa coffee machine niya. Hindi pa napapansin ni Spencer ang bagong machine kaya wala pang reaction ang isang iyon. Sigurado na ako na magbabangayan ang dalawang ito o baka naman magkakasundo na lang.

"Nasaan na ang Pokémon mo at ang baby girl ko?" Tanong ni Austin sa akin nang pumasok si brad. Nakahubad baro siya at pawisan. Mukhang galing sa pagtakbo sa labas.

"Kapag ganyan kang tatakbo sa labas ay baka ireklamo ka ng mga kapitbahay natin. Sabihin may runner na mafia sa labas." Sabi ko at hindi sinagot ang tanong niya.

"Nah, they love me." Ngumisi si Austin at uninom ng tubig.

"Irereklamo ka nila. Kung bakit naman kasi mag e-exercise ka lang sa neighborhood ay wala kang damit?" Naiiling na tanong ko.

"I'm flaunting my hard work. I didn't bulk myself up to hide. Plus if Samantha's not appreciating this," He gestures himself. "then I'm going to let the whole neighborhood appreciate what she's missing. Mrs. Lucas across the street clearly likes it when I run half naked. Plus, it's good for my ego."

"You're weird."

"I'm not. I'm honest, and I love Samantha but don't tell her that. Iisipin ng babaeng 'yon na hindi ako maka move on sa kanya, which is true. But don't tell her. Now answer my question, nasaan sila?"

"Spa day. Mag papa-spa raw silang dalawa."

"Ah, Liz needs that." Sabi niya at napakunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"What? She's in your care, don't tell me you don't know that something is off with her."

"No. I mean I noticed, pero hindi pa ako nagtatanong. Noong isang araw pa siya ganito at iniisip ko rin kung anong dahilan." Sagot ko.

"Just ask her." Sabi lang ni Austin at pumasok na sa kwarto niya.

I could do that. Pwede ko naman talagang tanungin si Charli kung anong problema. Kung may worry siya ay tutulungan ko naman siya.

I better ask her dahil baka nahihiya lang magsabi si Charli.

-

Dumating si Spencer at si Claude na maraming dalang pagkain. Mukhang lahat ng nadaanan nilang pwedeng bilhan ay binilhan nila. Si Charli naman at Sam ay dumating na rin.

"Saan tayo maghahayin?" Tanong ni Claude. Sa likod niya ay nakatayo si Spencer na wala namang ginagawa at itinutulong pero mula nang dumating sila ay napansin kong hindi pa siya lumalayo kay Claude.

"Dito na lang tayo kumain pero umakyat na lang din tayo mamaya. Magsusunog yata ng pera si Austin." Sabi ni Spencer. Marami kasing biniling paputok si brad. Mukhang magpapapansin lang naman kay Sammy.

"Hey, mahilig ka ba sa fireworks?" Tanong ko kay Charli. Umakbay ako sa kanya pero inalis niya ang pagkakaakbay ko sa kanya.

Napatingin ako sa kanya. Nakayuko siya at sumandal lang siya sa may kitchen counter. Inabala niya bigla ang sarili niya sa mga prutas na bagong hugas sa may sink.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon