ONE THING LED TO ANOTHER
Chapter 34
"Pahiram ulit ako ng auto mo, brad. Sunduin ko si Charli." Sabi ko kay Spencer na kasalukuyang nakatutok sa laptop niya at nagsusulat. Parang tatlong araw ko na yata siyang nakikitang nakasubsob lang sa harap ng laptop niya.
"Yup. Go ahead since I'm not going anywhere."
"Busy ka?" Tanong ko. Sinamaan niya ako ng tingin kaya gusto ko sanang bawiin ang sinabi ko.
"Hindi ba halata, brad?"
"Ah, halata naman." Awkward na sagot ko.
"For someone smart you're damn stupid." Sabi niya at bumalik ang tingin sa laptop niya.
"Don't talk to him. He's on the edge, hindi raw siya kakausapin ni Claude hanggang hindi tinatapos ang pag r-revise ng libro niya." Si Austin.
"Ah." Nasambit ko na lang.
"Isama mo na lang ako pagsundo kay Liz. I need some fresh air." Sabi ni Austin sa akin.
"Ayaw ko. Mag d-date pa kami ni Charli tsaka nando'n parents niya." Sabi ko.
"What? I'm adorable. Samantha's parents loved me." Sabi niya.
"Past tense. Hindi ka na nila mahal ngayon. Isinusumpa ka na ng buong pamilya namin." Singit ni Spencer.
"Shut up. Hindi ka kasali sa usapan." Sagot naman ni Austin at umakbay sa akin. Kinuha niya ang susi ng sasakyan niya at ibinigay iyon sa akin. "Isama mo ako, gamitin natin ang sasakyan ko at ikaw na rin ang magmaneho."
Sa sinabing iyon ni Austin ay napangiti na lamang ako at tumango dahil mamamaneho ko na naman ang poging -pogi niyang auto.
-
"Kasama mo si Austin pagsundo kay Liz?" Tanong ni Sammy. Nasa garahe na si Austin habang pababa pa lamang ako.
"Ah yes." Sabi ko kay Sammy.
"Bakit?" Tanong niya at nakataas ang kilay niya at biglang humalukipkip. Hindi normal kay Sammy na ganito siya, or baka mas tamang sabihin na hindi ako sanay na ganito si Sammy. Lagi kasi siyang sweet lang sa amin. Simula talaga nang dumating si Austin dito parang lagi ng mangangagat si Sammy.
"Hindi ko alam. Sabi niya kailangan daw niya ng fresh air."
"Sasama ako. Kailangan ko rin ng fresh air." Sabi ni Sammy at pumasok sa loob ng apartment nila. Nang lumabas siya ay may dala na siyang purse at mas nauna pang bumaba sa akin.
Nag lalagay pa ng tubig si Austin sa radiator ng sasakyan nang sumakay si Sammy sa passenger's seat. Tumingin naman sa akin si Austin habang nakakunot ang noo. Nagkibit balikat na lamang naman ako.
Nang maibaba ni Austin ang hood ng sasakyan ay lumapit siya sa akin.
"Mamaya ka na nag drive pagbalik. Ako na muna ngayon." Sabi ni Austin at tumango ako dahil alam ko na naman agad na hindi ko mainamaneho ang poging auto the moment na sumakay si Sammy sa passenger's seat.
Sumakay na ako sa likuran habang si Austin na nga ang nasa driver's seat.
"Hello, Samantha, to what do I owe the pleasure?" Tanong ni Austin kay Sammy. Sa rear view mirror ay kita kong nakataas ang isang gilid ng labi ni brad.
Humarap naman si Sammy at humalukipkip lang.
Mukhang mas matindi ang tension sa pagitan ng dalawang ito ngayon. Di na lang ako iimik dito sa likod.
BINABASA MO ANG
One Thing Led To Another
Romance(Mature Content) Midnight With The Enemy - Book One Liz considered Drew her nemesis, but then things started to shift between them.