Chapter 21

2.4K 183 106
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 21

“Wala akong sasabihin bukod sa next time mag text kayo pareho kung nakauwi na kayo.” Si Claude at humigop ng kape. Si Sammy naman ay nakangiti na sa aming dalawa ni Charli.

Si Sammy talaga ang pinaka chill dito sa bahay. Mas chill pa kay Spencer. Parang hindi marunong magalit, lagi lang naka sweet smile sa amin.

“Sorry.” Sabi ko pero kumunot ang noo ni Spence.

“I don’t think you’re sorry, man.” Sabi niya at humigop din ng kape. Parang habang tumatagal na narito ako ay napapansin kong marami ng pagkakapareho si Spence at Claude. Pareho na sila ng habits.

“We’re sorry.” Si Charli na ang nagsabi at pareho na namang tumango si Claude at si Spencer.

“Let’s now eat breakfast peacefully. I’m famished.” Si Sammy at hinayinan niya kami ni Charli. Ngumiti rin kaming dalawa kay Sammy at nagsimula na kaming mag almusal na tila wala namang nangyari.

-

Nasa may café kami ni Charli nang sumapit ang tanghali. Nakatambay lang kaming dalawa at nag oobserba ng mga dumaraan at mga customers ni Spencer. Dito na rin kami manananghalian na dalawa.

Napasipol ako nang may pumaradang luxery SUV sa tapat ng building. ‘Rap, gusto ko rin n’on. Bumaba ang isang lalaking nakapormal. Naka-sun glasses din siya nang pumasok siya sa loob ng café. Kapeng -kape na siguro si brad.

“Hi, Sammy!” Si Charli sa tabi ko at kumaway kay Sammy na mukhang may lakad.

“Hi, guys.” Bati naman ni Sammy sa amin.

“Saan lakad mo?” Tanong ko naman.

“Sa office. May kailangan lang akong ayusin.”

“Sunday ngayon.” Saad naman ni Charli.

“Mabilis lang ako. I’ll see you later, guys.”

Umakbay naman ako kay Charli nang makaalis si Sammy at sumandal naman ang Pokémon sa akin.

“I like this, narito tayo sa café at walang ginagawa.” Sabi ni Charli at tumaas ang kilay ko.

“Me too. I like hanging out with you.” Sagot ko naman. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko at humilig siya sa balikat ko.

May ilang minuto pa kaming ganoon nang lumabas si Spencer ng cafe na mukhang mainit ang ulo. Kasunod niya ay lumabas na rin yung lalaking naka luxury car at sumakay ng sasakyan. Bago umalis ‘yung lalaki ay itinaas pa ni Spencer ang gitnang daliri rito.

“What happened?” Tanong ko kay Spencer.

“That guy wants to buy my building! Dude came out of nowhere and wrote me a check. Who the fuck does that?” Iritableng sabi ni Spencer at pumasok na ulit sa loob ng café.

Nagkatinginan naman kami ni Charli at pareho kaming nagkibit balikat.

“That was weird.” Sabi niya at tumango naman ako. Kahit galing kay Spencer ay weird talaga.

“Yup. Anyway, saan ka matutulog mamaya?” Tanong ko at tinaasan niya ako ng kilay kasunod ang paghawak niya sa pisngi ko.

“Dudong ka! Sa second floor ako matutulog.”

“Pwede rin ba ako sa second floor?” Nakangising tanong ko.

“Hindi, doon ka sa sarili mong kwarto, Dudong. Baka kung ano ang isipin nila sa atin.”

“Nag iisip na sila, Charlizard.” Sabi ko naman.

“Ako rin naman nag iisip na.” Sabi niya at bahagya siyang yumuko.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon