Chapter 18

2.3K 187 81
                                    

ONE THING LED TO ANOTHER

Chapter 18

“They ate my cupcake.”

Message iyon galing kay Charli. Wala pang sampung minuto kaming naghihiwalay ay may message na siya sa akin.

Napangiti ako sa message niya pero hindi ko rin maiwasan na mag alala. Kanina kasing inihatid ko siya ay nakailang buntong hininga siya bago pumasok sa building nila. Na para bang hirap na hirap ang kalooban niyang pumasok sa trabaho.

She said she feels bad for herself. Hindi dapat ganoon ag nararamdaman ng isang empleyado sa kompanya at sa sarili niya sa tuwing pumapasok.

I really wish I could do something for her.

“Sinong kumain ng cupcake? Please don’t tell me your manager did. Gusto mo bang bumili tao ng cupcake bago umuwi?”

“No. Hindi ang manager ko ang kumain, yung isang ka-team ko. Huwag na rin tayo bumili, nakakain na naman ako kahapon at noong isang araw.”

“Sige. I’ll see you later, tawagan mo ako or mag message ka kapag may kailangan ka, okay?”

“Okay, thanks.”

Makalipas ang tatlong oras ay muling nag vibrate ang cellphone ko.

“I want to go home.”

Message ulit iyon ni Charli at may emoji na malungkot na kasama.

“H’wag kang mag alala, iuuwi rin kita mamaya. Gusto mo bang sabay na tayo mag lunch?” Yaya ko sa kanya.

“Sige, sasabay na lang akong mag lunch sa’yo. Ayaw ko kumain dito sa office.”

“Hihintayin kita sa labas ng building niyo.”

“Okay.”

This time, nakangiti ng emoji ang ginamit niya na nagpangiti rin sa akin. But still, I can’t help but worry.

-

Obserbasyon ko lang naman sa cute kong Pokémon, pero mukhang masaya siya sa ginagawa niyang pag p-plano ng event para sa kapatid niya. Ganito rin siya noong nag p-plano ng reunion namin noong nakaraan.

Excited siyang puntahan ang mga venue, mag lista ng mga kailangan, bilangin ang mga kulang.

Nang silipin ko ang cute rin niyang notebook ay hindi lang pala pagbisita sa mga venue ang nasa itinerary niya. Pati ang pagpunta sa mga tindahan kung saan bibilhin ang mga kakailanganin niya.

“Hey, bibili ka ng bulaklak?”

“Yes, then ako na lang mag arrange para mas makamura ako.” Sagot niya sa akin.

“Kailan ka bibiling bulaklak?”

“A day before ng proposal ni Chase, para hindi malanta. Pero aside sa bulaklak, may gagawin pa akong iba.” Sabi niya.

Maganda ang unang venue na pinuntahan namin. Ang kaso, sabi ni Charli masyado raw malaki ang lugar.

“May bisita ba?” Tanong ko, proposal pa lang kasi.

“Wala, sila lang dalawa. Chase wants it to be as intimate as possible. Ayaw niya ng audience since ayaw niya rin ma -pressure si Ana.” Sagot niya at mula pa kanina ay palagi lang siyang nakangiti.

“You like doing this.” Sabi ko na sa kanya. Kabaliktaran siya ngayon sa mood niya kaninang umaga.

“Yes.” Sagot niya. Which reminds me, sa tuwing may event kami sa department noong college ay nag v-volunteer siya palagi sa pag o-organize. Plantsado lahat, may maayos na report at liquidation pagkatapos ng event, hanggang documentation ay naroon, wala ka ng hahanapin pa. Everything was neatly done  though she had the tendency to panic sometimes, at medyo masungit din minsan kapag hindi nangyayari ang nauna niyang plano, but still very satisfactory ang resulta.

One Thing Led To AnotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon