~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Umalis na kami doon at hinabol si Paulene. Hanggang sa marating namin yung gymnasium. Anong gagawin ni bakla dito?
"Friendship, watcha doing ditey?" Tanong ni Cathy.
Napaupo na lang si Paulene sa sahig at nilabas yung baunan niya. Problema nito? Nag indian sit siya at nagsimula ng kumain.
"Paulene?"
"Tara, kumain na kayo dito. Ayaw niyo bang kumain? Ally, kala ko ba di ka nag almusal?" Napaupo nalang kami at nakikain na sila Cathy pero ako naman nakatingin parin kay Paulene.
"Diba ditey kami nagkakilala ni Yassi? Hays, missing ko yung girlaloo yun" Sabay kain niya ulit. Tsk, sabi ko na nga ba tungkol na naman toh kay Yassi eh. Sigurado ako apektado siya pero di niya lang pinapahalata.
Nayuko nalang ako at di na siya pinansin, kumain nalang sila. Aish. Mamimiss ko rin si Yasmin, di kami sure kung kelan ulit namin makikita si Yassi pagtapos ng opera niya sa U.S. pero tiwala naman ako kay Yassi na babalikan niya kami the moment na gumaling na siya.
Tong bakla na toh, kahit lagi siyang binubully ni Yasmin, mahal na mahal niya parin si Yassi. Bigla naman akong napatingin kay Paulene, nakayuko siya at tahimik na kumakain.
Mas nagulat ako nung bigla kong nakitang may tumulong liquid mula sa mukha niya. Tinignan ko siyang maigi at nakitang umiiyak na pala siya (T__T) tahimik na tumutulo yung luha niya, talagang wala siyang balak ipaalam samin na nasasaktan talaga siya. Nagpatuloy lang siya sa pagkain niya.
Tuloy tuloy na yung pagbagsak ng luha niya at may biglang nag udyok sakin para yakapin si Paulene.
"Friendship?" Lumapit narin sila Cathy at nakiyakap narin samin. Niyakap lang namin si Paulene hanggang sa halos humagulgul na siya sa kakaiyak.
Todo yakap kami sa kaniya.
"Diko akalaing... *sobs* may araw pala na *sobs* posible tayong iwan ni Yasmin... *sobs* I really.. didn't expect na ganto kaaga yun..." -Paulene
"Paulene, babalikan tayo ni Yassi. Tiwala lang, sa tingin mo ba kaya tayong iwan ni Yassi?" -Cathy
Sa hindi ko malamang dahilan bigla nalang tumulo ang luha ko, umiiyak na pala ako. Ewan ko pero ang lungkot talaga eh. Sobra.
"Naalala ko ung unang beses kaming magkakilala rito ni Yassi, nung araw na kumakanta siya mag isa dito tas bigla akong pumasok tapos binato niya ako ng sapatos niya" Sabi ni Paulene habang pilit na tumatawa habang umiiyak.
"Paulene, please don't cry? Let's just trust Yasmin and wait for the result"
"Tama" bigla kaming nagkahiwalay sa pagkakayakap nung biglang sumulpot si Alexandra.
"Tumayo nga kayo diyan, wala namang mababago kahit umiyak kayo diyan eh. Ang magagawa na lang natin ngayon ay ang icomfort si James dahil for sure, nasasaktan rin yun"
Tumayo si Paulene at nginitian si Alex. "You know, you're better than I thought" Sabi ni Paulene at sinabit ang kamay sa braso ni Alex.
Hays. Buti naman at nagkasundo narin tong dalawang toh. Sumunod na lang kami sa kaniya at natapos na lang rin ang buong maghapon na nagiisanaban at nagtatarayan si Vanessa at Alex.
BINABASA MO ANG
HE IS MY CONTRACT BOYFRIEND [BAEKYEON FF]
RomanceYasmin Penaflor. She once lived peacefully until she met Diether James Morales. Paano nga ba mababago ang buhay nila ng dahil sa isang desisyon?