Hello guys! Eto na ang Epilouge. Magtatapos na ang HIMCB. Let's all wait for the next season (^__^)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Two years later...
Dalawang taon na nakalipas simula nung umalis si Yassi dito. College student na rin ako, HRM ang kukunin kong course. I still have faith na babalik si Yassi, pag naging successful businessman ako tulad ng papa ko, hahanapin ko agad si Yassi.
Sila Nicole, Cathy, Paulene, Allyza, Alexandra at yung dalawang Kris, nasa iisang university as mine. Si Nicole ay nagaaral habang nagtatrabaho. Volleyball player na siya, pro at official. Si Allyza at Kris naman, engaged na XD. Ang bilis diba? Si Kristoffer, hanggang ngayon hanggang porma palang siya kay Nikki. Si Paulene, ang dami nang naging boyfriend (-___-) Si Cathy, walang lovelife XD. Pareho kami. Oh wait, may Yasmin pala ako (^___^)
"James!" Tumakbo palapit sakin sila Kris. Hays. Magkaaway parin hanggang ngayon tong dalawang toh. Parang mga bata.
"James, eto oh, Cookie Crumble Frappe muna tayo" Inabot niya sakin yung baso.
"Pre, nakita ko nga pala kanina sa J.Co si Vanessa" Si Vanessa. Single, pero marami ng nanliligaw sa kaniya sa bagong school na pinasukan niya. May communication parin naman kami kahit papano.
"Pre, gumaganda si Vanessa, ang haba na ng buhok niya tapos lagi na siyang nakangiti. Hihihi (^//////^)" Bigla naman siyang binatukan ni Kristoffer.
"Hala! Anong problema mo?!"
"Susumbong kita kay Allyza, kita mo!" Napayuko na lang si Kris. Haaay. Mga bata (=___=)
Inubos ko lang yung frappe ko at umalis na rin. Uuwi na muna ako.
"Uy si Diether oh!"
"Mas gumwapo siya ngayon! Hihihihi"
"Oo, wala na kasi siyang gf, may chance tayo! Hihihi!"
Tss. Di parin nauubos mga fangirls ko. Naghiss lang ako. Oo, cold parin ako at pilyo. Di ko naman agad agad na maaalis yung ugali ko na yun :3
Sumakay na ako ng kotse para umuwi na. Since wala naman na akong papasukang subject.
Nagdrive lang ako hanggang sa bigla nalang magtraffic.
Aish. Bat ngayon pa? Inaantok na ako. Habang nakatigil yung kotse, at nakatingin lang ako sa paligid ligid.
Marami rami ring tao dito. Nasa may tabing dagat na kasi toh, merong open beach sa may gilid. Hindi naman kasi ako uuwi sa condo ko, pupunta ako sa beach na pinamana sakin ni mama. Yung beach na pinuntahan namin ni Yasmin dati. At malapit na ako don.
Aish. Sobrang daming tao....
Teka...
May babaeng papasok sa beach namin ni Yassi! Lumabas agad ako ng kotse at sinundan yung babae papasok sa beach ko
Paano nakapasok yun don? Eh nakasarado yun eh!
"Hoy ate! Hindi toh resort! Bawal dito!" Napatingin ako sa paligid.
Wala rito yung mga guards! Asan naman kaya mga tukmol na yun at bat di nila nilock yung pinto?!
"Ate! Saglit! Bawal dito!"
Nakatigil siya sa may harap ng dagat. Habang nakaside view siya bigla na lang nagpop out sa isip ko si Yassi (o__o) kamukha niya si Yasmin!
Could it be...
Lumapit ako sa kaniya ng dahan dahan...
Si Yasmin ba talaga toh? Siya na kaya toh? P-paanong...
Nakabalik na kaya siya?
"Yasmin..."
Hinawakan ko ang balikat niya at humarap rin naman siya...
ABANGAN ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA (^__^)
Hihihihi! Pasuspense pa ako. Abangan niyo ang second season! Si Yasmin nga ba yon? O just some random girl?
Anyway, thank you sa mga nagsupport sa story na toh from the start! Continue supporting until the very end (^__^) Thank you!
-ImChing
BINABASA MO ANG
HE IS MY CONTRACT BOYFRIEND [BAEKYEON FF]
RomanceYasmin Penaflor. She once lived peacefully until she met Diether James Morales. Paano nga ba mababago ang buhay nila ng dahil sa isang desisyon?