Thank you po sa mga nagbabasa at nagvovote♥
Saranghae!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
At dahil sa wala na akong nagawa, eto, andito ako ngayon sa condo niya (T_T) Pakirewind nga ng pangyayari. Nagsisisi na ako eh.
"Yassi, kunin mo nga yung unan doon sa kwarto tapos yung popcorn andoon sa may kitchen. Dali!"
Aangal pa sana ako nung bigla niyang kinuha yung cellphone niya. Oo, dalawa cellphone niya. Yung isa nasa kotse niya.
Alam niyo ba kung bakit natatakot ako tuwing nilalabas niya yung cellphone niya?
"ARGH! Oo na! Eto na!"
Sinave niya doon yung number ni daddy dati. Kinuha niya yung number ni daddy dati sa cellphone ko nung kinuha niya yung cellphone ko dati. At pag umangal ako sa mga utos niya, magtetext siya kay daddy at sasabihing kasama ko si James sa iisang bahay ngayong gabi! Huhuhu, diba.
Talino rin pala neto eh, no. Tumayo na ako at kinuha yung unan sa kwarto niya tsaka hinagis sa pagmumukha niyang mukhang tsonggo at pumunta na sa kusina.
Kinuha ko na rin yung popcorn atsaka lumabas at hinagis ulit sa kaniya yung popcorn at naupo ulit sa may dining.
Nanonood kasi siya ng Star Wars. Parang bata siyang sayang saya pag may naglalaban (-__-) Hindi ako interesado kaya sinubsob ko na lang yung mukha ko sa dining table.
Maya maya lang naramdaman kong mas lalong lumalakas yung ulan. Sumilip ako sa may bintana at halos wala na akong makita. Natakot ako bigla kaya bumalik ako sa may dining table pero pag balik ko, wala na sa sofa si James pero bukas parin yung TV
"Aish. Putek, talaga!"
Pinatay ko na lang yung TV at nagtungo na sa kwarto para kumuha ng unan. Sa sala na ako matutulog, nakakahiya naman kasi sa kaniya diba.
Nung pagpasok ko sa kwarto, nakahiga na siya at tulog na ata. Dahan dahan akong kumuha ng isang unan tsaka lumabas na kwarto.
Humiga ako sa sofa at since hindi pa ako inaantok, binuksan ko yung TV para manood.
Pero, maya maya rin dinalaw na ako ng antok at ayun, natulog na ako at pinatay na yung TV.
JAMES POV
"U-uhhmmm, huhuhu..."
Pucha. Sino ba yun? Naalimpungatan ako ng may narinig akong nagsasalita. Bumangon na ako lumabas ng kwarto. Nakita ko doon si Yassi na yakap yakap ang sarili niya, take note, nasa lapag na siya.
Bigla naman akong nagkaroon ng isang magandang idea XD Kinuha ko yung cellphone ko at inopen yung camera.
Pipicturan ko siya, habang tulog XD.
"Huhuhu"
E-eh? Umiiyak? Habang tulog?
Sinilip ko yung mukha niya, may luhang tumutulo tapos nanginginig siya. Tumingin naman ako sa aircon, nakaoff naman na ah. Sinilip ko yung bintana, nakasara naman tsaka mahina na lang yung ulan.
Teka nga, diba naulanan kami kanina? Hinipo ko yung leeg niya
"Wag..."
Nagsalita na naman siya, hindi ko na lang siya pinansin, ang init kasi talaga ng leeg niya. May lagnat ata 'tong pandak na 'toh, sensitive pa naman ng katawan nito masyado (-_-)
Hahayaan ko na lang sana siya at akmang tatalikod na ako nung narinig kong umiyak na naman siya
"Huhuhu... daddy... *sobs*"
BINABASA MO ANG
HE IS MY CONTRACT BOYFRIEND [BAEKYEON FF]
RomantikYasmin Penaflor. She once lived peacefully until she met Diether James Morales. Paano nga ba mababago ang buhay nila ng dahil sa isang desisyon?