Chapter 58: Strange Woman

25 1 0
                                        

Hope's POV

Gusto ko nang bumalik sa gate.

Tulad nina Dark, Hare at Chin, nag-aalangan din ako pero lintek, paano ako di tutuloy kung yung kakambal ko ang sama ng tingin sakin. Alam ko namang alam nyang nag-aalala ako pero alam ko rin na alam niyang alam ko na nakagamit ako ng light magic dati, nung kalaban ko si Darius.

"Ayos ka lang, ate Hope?" tanong ni Ant sakin

Nakasalubong ko sya kanina, mahigit isang oras na akong naglalakad nang makasalubong ko sya.

"Gusto ko nang bumalik sa gate." Sabi ko

"Papayag kaya si ate Mira?" tanong nya at napatampal ako sa noo

"Malamang hinde." Natatawang sagot ko at nagkatawanan kami

Maya-maya biglang lumindol tapos may Earth giant na lumampas sa harap namin.

"Earth giant yun diba?" tanong ko kay Ant

"Buhat nya si ate Mira." Sagot naman ni Ant

"Kaya naman nya sarili nya." Naiiling na sagot ko at narinig ko syang mahinang natawa

Malaki ang tiwala ko sa kakambal ko, kahit na noon pang mga bata kami, kahit na tahimik at mahiyain sa tao si Milagro, alam kong kaya nyang alagaan ang sarili nya. Kaya nga nung sinubukan kaming kuhanin ng mga Darkians noon, hiniling ko sa mga Darkians na palayain si Mira at ako nalang ang kunin. Ipinakita ko pa sa kanila yung kapangyarihan kong darkness at kahit na ayaw ko, nung paalis na kami, inilagay ko sya sa trance.

Alam kong alam ni Mira na trance lang yun, bata palang kami alam niya na ang kakayahan ko, at nung mga panahon na yon, ice at dark ice palang ang kaya niyang gamitin. Alam kong nasaktan sya nung nakita nya akong namatay sa harap nya, yun ang ginamit ko para palayain sya ng mga Darkians, inilagay ko sya sa trance para hindi nila malamang may kapangyarihan din ang kakambal ko, pasalamat nalang siguro ako na hindi ako sinubukang iligtas ni Mira gamit ang kapangyarihan niya, o kaya naman hindi nya sinubukang basagin yung trance dahil kung nagkataon baka pareho kaming nakuha ng darkians.

Gusto ko syang balikan noon, pero nung makatakas ako sa Dark Manor (na kaharian ko pala) saka ko lang nalaman na nasa Magicea na ako kaya pumasok ako sa Academy, nung una natakot ako. Malamang sino bang dark magic user ang hindi matatakot kung yung papasukan mong eskwelahan kalaban ang tingin sa mga katulad mo, pero buti nalang pwede yung 'Deceit' bilang ability at Dark ice bilang magic. Dark ability sya pero ability parin kaya tinanggap ako.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Napatingin ako sa harap ko at nakita ko si Lean

"Tatlo na tayo." Sabi ko

"Gaano katagal na kayong naglalakad?" tanong ni Lean

"Three hours?" hindi siguradong sagot ni Ant habang nakatingin sa isang orasan na nasa kamay niya

"Pahinga muna tayo." Sabi ni Lean

"Hanapin na muna natin yung pinapahanap satin ni Headmaster." Sabi ko at nagpatuloy kami sa paglalakad

"Hope, diba di mo naman talaga kakambal si Master Mira?" Biglang tanong ni Lean

"Oh tapos?" tanong ko

"Ba't magkamukha kayo? Wala ka namang maskara pero bakit magkamukha kayo?" tanong nya

"Kasi kakambal ko sya, at magkapatid kami. Oo, reincarnation kami nina Goddess Heaven at Queen Hyacinth pero yun lang yun, reincarnation man nila kami, hindi kami sila. Kung sa nakaraang buhay namin hindi kami magkadugo, ngayon pamilya kami." Sagot ko

FORGOTTEN GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon