Chapter 64: Mortal Realm
Hope's POV
Maaga akong nagising, ala-cinco palang nagising na ako, nakita kong ganoon din si Cat pagkalabas ko sa kwarto.
"Good morning, Cat." Bati ko sa kanya
"Good morning, Hope." Bati nya pabalik at isinara yung pintong pinanggalingan nya
Sa guestroom natulog si Cat, ako rin sa guest room natulog kasi wala akong kwarto dito pero hindi naman na yun importante dahil dalawang linggo lang naman din kami dito.
"Ang aga mo naman gumising." Sabi ko sa kanya
"Maaga talaga ako gumising." Sabi nya
"Training, gusto mo?" tanong ko at napatingin sya sa akin
"Dito? Sa mortal realm?" tanong nya
"Oo, combat lang naman." Sagot ko
"Okay." Sagot nya
"Kita nalang tayo dito, magbibihis lang ako." Sabi ko at tumango sya
Pumasok ako sa kwarto at nagbihis ng isang black leggings at white t-shirt, tinali ko ang buhok ko habang palabas ng kwarto at nakita ko si Cat na naka-bun ang buhok at naka-white shirt at cotton pants.
"Bilis mo magbihis." Sabi ko at natawa sya
"Kung sina Mab at Tamtam ang kapatid mo, masasanay kang kumilos ng mabilis." Sabi nya
Bumaba kami sa sala at nakita namin ang mga katulong na naghahanda.
"Good morning, young lady." Bati nila
"Saan po dito ang garden?" tanong ko
"Dito po, young lady, samahan ko po kayo." Sabi nung isang katulong at inihatid kami sa garden
"Walang mat?" tanong ko at natawa sya
"Bakit? May mat ba sa training?" tanong nya at napailing ako
Sabagay. Wala nga namang mat sa training at lalo na sa mismong gyera.
Nauna akong sumugod, defense offense ang ginagawa ni Cat kaya nag-offense offense ako. Lahat ng atake ko nasasalag nya, hindi na ako nagulat dahil nga combat ang expertise nya.
"Argh!" reklamo ko nang maibalibag nya ako sa sahig
"Masyado bang napalakas?" tanong nya at inilahad ang kamay nya para tulungan akong tumayo
"Sanay kang malakas noh?" tanong ko at inabot ang kamay nya
"Medyo." Sabi niya at hinila ako patayo
"Sabagay, dalawang lalaki nga pala ang kapatid mo." Sabi ko habang naiiling at pumunta sa defensive stance
Nagpalitan lang kami ng atake, nasasalag nya yung lahat ng mga atake, minsan naman nasasalag ko yung mga atake nya. Pareho kaming walang emosyon habang nagpapalitan ng atake dahil isa sa mga tinuro sa amin ay ang magtago ng emosyon habang nasa laban, maari kasing gamitin ang emosyon mo laban sayo.
"You're both up early." Napatingin kami sa pinanggalingan ng boses
"Good morning, Kambal." Bati ko sa kanya
"Good morning, Mira." Bati ni Cat
"Morning." Bati nya pabalik
"Your phone's ringing." Sabi ni Mira at iniabot ang phone ko
"Sinong natawag?" tanong ko at kinuha yung phone ko
"I don't know." Sagot nya at tumango ako
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN GODDESS
FantasyA girl who grew up sheltered by her rich family. Connections. Power. Money. But those things cannot deny the fact that she is different. Unique. But what if she finds out what and who she really is? "Truth hurts while secrets kill."
