Chapter 68: Endless Night

10 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit kami pumunta sa Academy pero nanlaki ang mata ko nang makitang napakaraming mga halimaw at dalawang malaking portal ang nakabukas sa langit. Nakikipaglaban na ang mga Elites at Nobles habang ang mga Beginners at Trainees ay pinalikas sa loob ng Gym kung saan merong barrier na ginawa ng ilang Nobles.

"We'll handle the portals," sabi nung lalaking kasabay ni Miracle dumating kanina

"I'll help, Terrence." Sabi ni Miracle at bumaling sa amin

"Lit, bring Lure, Era, Tory and Hope to the infirmary with the Berlins." Sabi ni Miracle

"Elsie, Kim, Al," sabay-sabay tumango yung tatlo

"Ingat ka," sabi ko at ngumiti si Miracle

"I will, take care, Twin." Sabi nya at lumutang na sya kasama nung tatlo

Magkakaiba sila ng kulay ng liwanag na nakabalot sa kanila, yung isang lalaki, parang brownish, yung dalawang lalaki naman parehong blackish gray.

"Tara na, Hope." Sabi ni Elsie at inalalayan akong maglakad

Hinang-hina parin ako, hindi ko alam pero parang hinigop lahat ng lakas ko.

"Sabi ni Mira, masyado daw mahigpit ang pagkakahawak sayo ng spirit of darkness kaya halos pati life force mo nahigop na." Sabi ni Al

Pagdating namin sa infirmary, ang daming mga studyante ang nasa mga kama at busy ang mga healers sa panggagamot.

"Headmaster," sabi ko nang makita si Headmaster

"Genie," napatingin sya kayna Lit, Lure, Era, Tory, Kim, Al at Elsie

"We're here to help in purifying their bloodstreams." Sabi ni Kim

"Nahihirapan po silang huminga dahil may halong dark energy ang hangin dahil sa nakabukas na portal." Pagpapaliwanag ni Elsie sa sitwasyon

"Headmaster, may mga nagsusuka na po ng dugo." Sabi ng lumapit na head healer

"Lit, look over these four, kailangan pa nila makarecover." Sabi ni Elsie at tumango si Lit

"I'm Elsie Berlins, we know how to treat them." Sabi ni Elsie at umalis na silang tatlo nina Al at Kim habang nakikipag-usap doon sa healer

Umupo kaming apat nina Lure, Era at Tory sa dalawang kama habang nakatayo lang si Lit at nakasandal sa pader sa pagitan ng dalawang kama.

"Genie! Nakabalik ka na rin pala." Lumapit si Ash sa amin

"Hindi ka lumabas?" tanong ko

"Dinala namin sina Angeline at Eve dito," napatayo ako at agad naman akong hinawakan ni Tory sa balikat bago pa ako matumba

"Hope," hinila ako ni Tory paupo

"Gusto ko silang makita." Sabi ko

"Pero Hope, kailangan mo pa makabawi ng lakas." Nag-aalalaing sabi ni Lure

"Napakakulit," naiiling na sabi ni Lit at inalalayan ako sa pagtayo ko

Sumunod kaming lima kay Ash, pagdating namin, parehong walang malay sina Angeline at Eve. May mga itim na ugat na nalabas sa mga braso ni Eve habang pataas naman ng pataas ang itim sa buhok ni Angeline.

"Oh, you're here." Blangkong sabi ni Angelina

"Lucca, let's go." Sabi nya

"Hindi mo ba sasamahan si Angeline?" tanong ni Ash at umiling si Angelina

FORGOTTEN GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon