Chapter 63: The Hunters

22 1 0
                                        

Hope's POV

Kabado. Yan ako ngayon habang nakatayo kasama nina Miracle at Cat. Hinatid kami ng kotse hanggang dito sa tapat ng bahay tapos babalikan nalang daw kami after two weeks.

"You look constipated." Talagang tinawanan pa ako ng napakagaling kong kakambal

"Ayos ka lang, Hope?" tanong ni Cat

"Kinakabahan ako." Sabi ko at napatingin sa gate sa harap namin

Nandito kami ngayon sa harap ng mansyon ng mga Hunters. Mas maganda at mas grande ito sa naalala ko, pero kung sabagay ilang taon narin naman.

"Relax, you'll be fine." Sabi ni Miracle

"Miracle!" tawag ko nang bigla syang mawala sa paningin ko

Sinummon ko si Azure at salamat naman dahil lumitaw sya sa harap ko.

"Nasan si Mira?" tanong ko

"Nasa loob na po si Master Mira, Master Hope." Sagot nya

"Salamat." Sabi ko at naglaho na sya

"Magdodoorbell ba tayo?" tanong ko kay Cat

"Bahala ka, bahay nyo naman 'to." Sagot nya

"Oh, I forgot." Biglang lumitaw si Miracle

"Mira! Putek, kinakabahan ako." Sabi ko sa kanya at ngumiti sya

"I love you, twin." Sabi nya at naglaho silang dalawa ni Cat

Lintek. Kinakabahan na nga ako kanina nung kaming tatlo pa ang magkakasama, lalo pa akong kinakabahan ngayong ako nalang mag-isa.

"Kinakabahan ako, putek." Sabi ko at nanginginig na pinindot ang doorbell

"Sino yan?" tanong ng di pamilyar na boses

Maya-maya nagbukas ang gate at lumabas ang isang katulong, tingin ko katulong sya dahil sa suot nyang uniporme.

"Jusko! Young lady Genie, di po kayo nagsabi na uuwi kayo." Sabi nya at pinapasok ako

Wow. Ganon lang 'yon? Walang question and answer? Walang security check kung ako nga? Ang dali naman.

May mga kotseng naka-park sa labas kaya kinakabahan ako na baka nandito rin yung ibang mga Hunters. Sinamahan nya ako papunta sa sala, sa harap lang ang tingin ko habang naglalakad, ang daming pinagbago ng mansyon at hindi ko na ito halos makilala. Umupo ako sa sofa tapos ipinaghanda pa nila ako ng juice.

"Gusto nyo po ba tawagin namin sina Ma'am at Sir? Naku matutuwa po silang malaman na nakabalik na kayo." Sabi nya

"Sige po." Sabi ko at nakita kong natigilan pa sya saglit

Oo nga pala, englishera si Mira. Naku naman kasi yung kakambal kong yon e, bigla-bigla nalang nang-iiwan.

"Manang, what was that?" nagsimulang bumilis yung tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Mama Grace

"Naku matutuwa po kayo sa bisita nyo, Ma'am." Sabi ni Manang at tumayo ako bago humarap sa pinanggalingan ng boses

Nakita kong natigilan sya at naguluhan pa nang makita ako, ganoon din si Papa Marco.

"Maiwan ko na po kayo, Ma'am, Sir." Sabi ni Manang at umalis na

"Miracle?" tanong nya

"Geneva po." Sagot ko at nakita ko ang pag-awang ng labi nya at ang pagkagulat sa mata nila

Natigilan pa sya ng ilang sandali bago nagmamadaling lumapit sakin at niyakap ako.

FORGOTTEN GODDESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon