Miracle's POV
“Magandang Araw, mahal na Reyna.” sabi ng Darkian kay Hope
“Sino ka?” Tanong ni Hope at tumawa ito ng malakas.Naririnig ko ang mga tanong na nabubuo sa isip ni Hope.
“Huwag mong ipagpilitan ang sarili mo sa isang lugar na di ka kabilang, Reyna Hyacinth.” sabi ng Darkian.
Pumasok ako sa utak ni Hope dahil hindi rinig sa labas ang sinasabi ng Darkian.
Pwede siyang gawin through telepathy. Complete invasion of ones mind and sees what one sees in their perspective.
Lumabas ako ng utak ni Hope pagkarinig ko sa mga sinabi ng Darkian.
Ginamitan niya ng Nightmare shards yung Darkian at alam ko kung bakit yun ang nightmare ng Darkian.
Ayaw nilang bumalik si Queen Hyacinth dahil panigurado nang pahihirapan sila sa bawat kalokohan at kasamaang gawin nila.
“Palabasin niyo siya!” sabi ni Headmaster sa stage pero hindi yata naririnig ni Hope sa loob.
Nag-cause ng panic ang appearance ng Darkian. Nakahinga kami ng maluwag nung magpakamatay ang Darkian at agad na ibinaba ang barrier.
Nakita kong namumutla si Hope kaya agad kaming pumunta sa kanya.
“Ayos ka lang?” tanong ko pagkalapit namin sa kanya
“Oo. Ang galing ng mga illusion.” sabi ni Hope.Niyakap namin siya ni Hero at nakita kong pinipilit niyang magpakatatag.
The Darkian brought shock and confusion to her.
“Hindi illusion yun, Genie. Totoong Darkian ang nakalaban mo.” sabi ni Angeline kahit na hindi naman talaga kailangan.
Alam ni Hope na totoong Darkian yun pero ayaw niyang tanggapin.
Alam kong nagsisimula na siyang maghinala kung ano man ang nalaman ko.
“Twin.” napatingin ako kay Hope nang tawagin niya ako
“I want the truth.” Sabi ni Hope kaya ngumiti ako at tumango.“I knew you'd say that.” sabi ko at umalis na kami ni Hero.
“NOW LET'S WELCOME, EVE MNEMOSYNE!!” sabi ni Headmaster at bumaba na si Eve pero bago yun nag-asaran pa sila ni Ash.
“GO, EVE!! WIN OR LOSE I LOVE YOU.” sabi ni Ash kaya nagtilian ang mga babae sabay Ayiee.
Lumaban na rin si Eve at tulad ni Hope ay puro shards rin ang ginamit niya pero gumamit siya ng bow and arrows. Pagkatapos nun lumabas na score niya na 5,903 points.
Pagkarating niya dito binati namin siya at binatukan naman niya si Ash.
“Kunwari ka pa, kinikilig ka lang eh. Kaya mataas ang score na nakuha mo kasi nainspire ka sa I love you ko eh.” sabi ni Ash
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN GODDESS
FantasiA girl who grew up sheltered by her rich family. Connections. Power. Money. But those things cannot deny the fact that she is different. Unique. But what if she finds out what and who she really is? "Truth hurts while secrets kill."