Hope's PoV
Hi! Ako nga pala si Hope Geneva Hunters, kakambal ko si Mira, but the truth is we're not really twins, pinalabas lang yun nina Mama para di sila maghinala sa amin ni Mira.
Kapag kailangan ni Mira pumasok ako ang napunta sa mga kailangan nyang puntahan dati. Napapansin ko lang lately parating nagkukulong si Mira sa kwarto nya, nag-aalala na ako kasi di naman sya ganito dati, pero at the same time naiisip ko rin na baka marami na talagang nagbago mula nung huli kaming nagkita.
"Kambal," kumatok ako sa pintuan nya
"Good morning, Hope," nakangiti nyang sabi sa akin
"Tara, kain na tayo." Sabi ko at tumango sya at sumunod sa akin papunta sa lamesa sa may kusina
"Omelet? We're having rice?" tumingin sya sa akin nang nagtataka nang makita ang nakahain sa lamesa
"Hmm, ano?" pang-aasar ko at seryos nya akong tiningnan bago bumuntong hininga
"Magkakanin tayo?" tanong nya at ngumiti ako
"Minsan kailangan natin magkanin sa agahan, kambal." Nakangiting sagot ko at naging blangko ang expression nya
"Azu–"
"Hep!" sinamaan nya ako ng tingin nang takpan ko ang bibig nya
"Madaya ka, kambal, walang tawagan ng spirit pet." Sabi ko sa kanya at inalis ang kamay ko sa bibig nya
"But, rice, really?" hindi makapaniwalang tanong nya sa akin
"Oo talaga," sabi ko umupo sya sa sa upuan
Umupo na rin ako katapat nya, ako na naglagay ng kanin sa plato nya at napansin ko ang matalim nyang tingin sa kanin, ipinatong ko yung omelet sa ibabaw ng kanin nya bago ako naglagay ng kanin sa plato ko.
Nang magsimula na kaming kumain, napansin ko ang pagkatigil ni Miracle habang ako naman ay nagpatay-malisya lang at nagpatuloy sa pagkain.
"You gotta be kidding me..." mahinang sabi nya at ibinaba ang kubyertos
"Ayaw mo sa pagkain?" tanong ko sa kanya at sinamaan nya ako ng tingin
"Pag-asa," naiinis nyang tawag sa akin
"Wala akong ginagawa sayo ha." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain
"Pag-asa!" naiinis nyang sabi
"Wala akong ginagawa, Milagro." Natatawa kong sabi pero tumayo sya at bago pa sya lumapit ay lumayo ako
"You're unfair!" inis nyang sabi sa akin
"Wala akong alam sa sinasabi mo," sabi ko habang natakbo papalayo
"Then, why are you running, huh?" tanong nya at mas allo akong natawa
"Hinahabol mo ako e!" sagot ko naman habang lumalayo
"Hopie, napakadaya!" sabi nya at tumigil
"Hala, gagi, naiyak ka?" hindi makapaniwalang tawag ko
"Of course not." Tanggi nya at kinusot ang mata nya
"Sorry na," sabi ko at lumapit sa kanya
"Sorry na, 'to naman e, joke lang, wag ka na umiyak." Sabi ko at niyakap sya
"Huy, Milagro, wag ka na umiyak." Sabi ko nang nagpupunas marin sya ng mata
"Pinaiyak mo ako." Tumingin sya sa akin ng nakapaningkit
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN GODDESS
FantasyA girl who grew up sheltered by her rich family. Connections. Power. Money. But those things cannot deny the fact that she is different. Unique. But what if she finds out what and who she really is? "Truth hurts while secrets kill."