Hope's POV
Pagkatapak ko palang sa lupa ay nakaramdam agad akong kakaiba. Malakas na pwersa na tumutulak sa akin paluhod pero pinanatili ko ang sarili ko na nakatayo. Parang may kung anong enerhiyang humahalo sa hangin, bahagyang nanikip ang dibdib ko pero nang simulan kong gamitin ang kapangyarihan ko ay agad na nawala ang paninikip ng dibdib ko, kahit yung malakas na pwersang nagpapaluhod sa akin ay ganon din.
"Darius is leading the army, they haven't entered the manor." Sabi ni Cula sa akin at tumango ako
Mabilis akong nagsuot ng armor sa katawan ko bago ako muling nagpalabas ng dark ball sa kamay ko. Mga cyclops, troll, at mga duwende and kasalukuyang kalaban ng Celestials. Hindi sila makapasok sa Manor dahil sa mga Celestials pero malaking pinsala na ang nagawa nila sa manor gamit ang mga arrow na pinapakawalan ng mga kalansay.
"Scatter, strengthen the barrier." Utos ni Cal at isa-isa silang umalis
"Twin," napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Mira
"Paano si Hero?" tanong ko agad sa kanya
Nagtaka ako nang tumingin sya sa langit bago tingnan ang paligid. May inilabas syang nakakasilaw na liwanag sa kamay nya at bumuo sya ng sphere.
"M-mama!" parang nahihirapang humingang sabi ni Hero kaya napatingin ako sa kanya
"Twin, si Hero!" sabi ko sa kanya at lalo akong nagtaka nang ipasok nya si Hero sa loob ng sphere
"Hindi ka pwedeng makialam, Miracle." Seryosong sabi ko at umiling sya
"This is no simple war, Hope." Seryosong sagot nya
"You are a goddess, hindi ka pwedeng makialam." Sabi ko sa kanya
Nakita ko syang may tinitingnan sa likod ko kaya humarap ako at nakita kong bumagsak sina Tory, Era at Lure. Muntik na silang matapakan ng mga cyclops na kalaban nila kung hindi agad nagkaroon ng barrier na prumutekta sa kanila
"Tory, Era, Lure," agad akong lumapit sa tatlo nang makita ko silang bumagsak
Lumapit sina Elsie, Lin, Hie at Kim sa amin at agad silang hinawakan sa dibdib bago sila tinulungang makaupo.
"The dark energy is making it hard for them to breathe." Sabi ni Elsie
"The air is fused with dark energy. They can't purify that air so it's mixing in their bloodstream." Sabi ni Kim
"I'll bring them to safety," sabi ni Miracle at nagkaroon ng malalaking ice tiles sa ilalim nung tatlo
"I won't be participating in this war, Hope, but I'll be backing you up." Seryosong sabi ni Miracle
"Hie, Lin, come with me, they're bloodstreams and lungs need to be purified for them to be able to breathe." Sabi ni Miracle at tumapak yung dalawa sa mga tiles
Agad silang binalot ng malakas na liwanag at lumutang paakyat.
"Queen," lumapit dito si Draco
"Anong lagay ng gyera?" tanong ko at agad na nagtaas ng isang dark wall para harangan and paparating na dark ball sa aming direksyon
"There's a portal where the creatures are coming from, they won't stop coming." Sabi ni Draco at tumango ako
"Let's continue to fend them off, we'll find an end to this soon." Sabi ko at tumango sya bago umalis
Lumuhod ako at tinapik ang lupa ng dalawang beses at nagpalabas ng yelo, pinataas ko iyon hanggang sa kaya ko nang makakita ng malayuan. Minanipula ko ang tinutungtungan kong yelo at pinahaba iyon hanggang sa makalapit ako kung saan pinakamainit ang laban. Walang pagdadalawang isip akong tumalon at nagpadausdos sa dark ice pababa.
BINABASA MO ANG
FORGOTTEN GODDESS
FantasyA girl who grew up sheltered by her rich family. Connections. Power. Money. But those things cannot deny the fact that she is different. Unique. But what if she finds out what and who she really is? "Truth hurts while secrets kill."
