9 : Pain

7.1K 290 8
                                    


Zen's POV

Habang nakain ay may lumapit saamin sina Jasper at Casper. Nag bow pa sila ng kaunti sa mga royalties bago lumapit saakin.

"Pinapatawag tayo ni HM" sabi ni Jasper kaya napakunot noo ko

"Tayong tatlo lang?" taka kong tanong at tumango naman sila ng sabay. Humarap ako kay Ara para magpaalam "Pinapatawag daw kami ni HM" sabi ko sakanila

"G-Gusto mo samahan na kita Zen?" napatigil ako sa tanong ni Luke

"No thanks. Kasabay ko naman sina Jasper at Casper" I said pero tatayo na sana ako ay hinawakan ni Emman yung laylayan ng damit ko

"Ate Zen pwede po bang mag bonding ulit tayo?" tanong niya sabay puppy eyes

Ginulo ko ng kaunti buhok niya at nginitian "Of course, my little Emman. May aasikasuhin lang sandali si ate Zen" sabi ko at tumayo na

Sabay sabay kaming lumabas habang nasa gitna nila ako.

"Maayos ka na ba?" tanong ko kay Casper

Napahawak siya sa may panga niya bago sumagot "Yup. Hindi na din naman nasakit dahil nagamot na" sagot niya kaya tumango tango nalang ako

"Hayst bakit kaya tayo pinatawag ni HM?" takang tanong ni Jasper

"Aba malay ko. Kita mo naman na sabay sabay palang tayong papunta dun diba?" Casper said 

Nagbangayan yung dalawa hanggang sa makapunta kami sa office ni HM. Kumatok muna sila bago kami pumasok. Nakita kong naandoon si prof Liam. Sinarado nila yung pintuan bago kami lumapit.

"Good afternoon po HM and prof Liam" we said in unison

"Good afternoon too students. Nabalitaan ko ang galing ninyo sa klase at kahit na first week palang ay nagpakitang gilas na kayo" sabi ni HM

Hindi pa nga po namin tinotodo eh

"Nabanggit ko kay HM ang talino at lakas ninyo sa bawat klase kaya naisipan ni HM na ilipat kayo sa 1-A. Siguro ay ayos lang sainyo yun?" nakangiting tanong ni prof Liam 

"Opo!" agad na sagot nung dalawa

"How about you Ms. Krimson?" tanong nila saakin

"I don't want to move into another section, HM and prof Liam" walang gana na sagot ko na kinagulat nila, pati yung nagkapatid.

"But why? Ayaw mo ba sa mas mataas na section?" tanong ni HM

"Lilipat lang po ako kung kasama ko si Ara lumipat" deretsyo na sagot ko

Nagkatinginan naman sina prof Liam at HM na para bang nag uusap sa utak. Ilang sandali lang ay tumango silang dalawa.

"Sure. No problem" sabi ni HM

I don't know why but I smiled after hearing that. Lumabas na kami sa office ni HM at halata ang excitement sa mukha ng magkapatid. Pagkababa namin sa may building ay sinalubong ako nina Ara, Adrian at Luke.

"Mauna na kami sainyo!" sabi nung magkapatid at kumaway papaalis

"Anong sabi ni HM?"

"Bakit daw niya kayo pinatawag?"

"May inutos ba sainyo?"

"Lilipat na tayo ng section, Ara" sabi ko

"Huh? Bakit naman? Omygod! Ililipat ba tayo sa 1-C?" kinakabahan na sabi niya

"No. Sa 1-A. Sabi kasi ni HM at prof Liam na ililipat daw nila kaming tatlo sa 1-A pero sabi ko ay hindi ako lilipat kung hindi kita kasama sa pag lipat" bored na sagot ko at napahikab pa

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon