50 : Him

4.7K 214 13
                                    

Diana's POV

Natigilan kami sandali ng nakita ko ang kulay white highlights sa buhok ni Zen. Ibang iba ang aura niya ngayon at mas nakakatakot ito.

"Zen---"

"Stay behind that three and create a barrier. Wag kayong mangangailam sa laban namin"

I had goosebumps while she's speaking, I feel the coldness in her voice.

"Pero Zen---"

"Let's go" sabi ni Ethan

Napakunot naman noo namin dahil umalis nalang ito at sinunod ang utos ni Zen. Kahit nagtataka ay sumunod na din kami.

"Aren't we going to stop her?" tanong ni Kade

"We may but we can't and we mustn't" seryosong sabi ni Ethan

Gumawa siya ng barrier at pinatibay naman ito gamit ang patong patong naming nga kapangyarihan pero nanatili itong crystal clear kaya kita namin si Zen mula sa malayo.

"Ano bang nangyari kay Zen?" nag aalala na tanong ni Ara

Iyan din ang tanong namin pero alam kong walang makakasagot nito. We don't know what happened while Zen is with Queen Frea but one things for sure, queen Frea made a wrong move. Pinigilan naming mapasigaw ng nakita namin si queen Frea na parang isang demonyo.

Ibang iba na ang itsura nito kumpara kanina. May malalaki na siyang mga sungay. Meron din siyang mga tattoo sa katawa ng mga simbolo ng isang nilalang na inalay ang kaluluwa niya sa kasamaan. Mukhang nag laban na sila kanina pa dahil sira sira na din ang armor ni Zen.

"Zen's eyes are glowing and her hair have white highlights. Ano ba talagang nangyari sakaniya?" tanong ni Miller

"Let's just watch----"

Hindi ko pa natatapos sasabibon ko ng biglang may sumabog kaya napalingon kami agad sa pwesto ni Zen. Nanlaki mata ko sa gulat ng nakita ko na sobrang bilis nilag dalawang makipag laban.

Walang kislap mata ang bawat pag atake at pag sangga nila sa isa't isa. Wala kang makikitang emosyon sa mukha ni Zen pero nararamdaman ko na punong puno na siya ng galit ngayon. Kahit ako ay natatakot na sakaniya.

"Ara, your eyes" sabi ni Adrian

Nanginginig naman niyang tinakpan yung mata niya. She's a cupid and Cupids aren't capable to watch this kind of scenario. Muli akong tumingin kay Zen at para akong natigilan ng bigla nyang tinaas sa ang scythe niya. Bigla nalang may kidlat na tumama sa sandata niya at nagkaroon ng sobrang lakas na kulog.

"S-She also control lightning!?" gulat naming sabi 

This is too much! Parang sasabog na ata ulo ko sa sobrang daming katanungan. Hindi pa nga nasasagot yung katanungan ko kung bakit nagagawa nyang kontrolin ang four main elements tapos ngayon pati lightning!? The heck.. so cool

Nag laban sa ere ang dalawa at mas lalo silang bumilis, yung tipong tunog nalang ang basehan namin na buhay pa sila dahil hindi na namin sila makita. Nasira yung stage ng biglang may malakas na bumagsak doon. Nakita namin si Zen na nakalutang pa din sa itaas kaya panigurado na si Queen Frea ang bumagsak sa stage.

Nanlaki mata namin ng tinaas niya yung isa nyang kamay and a big dark purple fire ball cam out into it. Habang nakalutang ang malaking fire ball ay nakita ko na nabalutan ito ng lightning at sharp thorns sa loob. Hindi nag alinlangan si Zen na ibato iyon sa stage kung saan mismo bumagsak si queen Frea. Napapikit kami dahil sa sumabog kto ng sobrang lakas at nag crack pa ng kaunti yung barrier namin dahil doon.

"Remind me not to make Zen angry next time. She's scary than Ethan" biglang sabi ni Danica

She's right, Zen is a little scarier than Ethan. Alam ko kasi na hindi kami sasaktan ni Ethan but Zen? I don't think friendship would be an excuse.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon