56 : Azure

4.6K 202 25
                                    

Zen's POV

"Hope in" sabi niya at saka ko lang napansin na naka sakay na pala siya sa likuran ng higanteng sea serpent

"Ako? Sasakay dyan? No way" sabi ko

"Mas mabilis tayong makakarating sa pupuntahan natin kung sasakay tayo dito. Or are you afraid?" then he grinned

"Idiot. Had you forgotten that I'm wearing a dress?"

Bumaba siya at lumapit saakin. Nagulat nalang ako ng bigla niya akong binuhat na para bang sako kaya pinalo ko yung likuran niya

"Put me down, you prick!" sigaw ko sakaniya pero parang wala lang syang narinig

Namalayan ko nalang na inupo niya ako dito sa itaas ng sea serpent at umupo naman siya sa likuran ko. Naka patagilid akong nakaupo.

"Pag ako nasilipan, puputulan kita ng kamay" pagbabanta ko sakaniya but the heck, he just chuckled

"Hold on tight" sabi niya kasabay ng paglipad ng sea serpent

Muntikan na akong malaglag dahil hindi pa ako nakakapit buti nalang at nayakap ako ni Ethan.

"I told you to hold tight, muntikan ka ng malaglag stupid" sabi niya sa likuran ko habang nakapulupot pa din ang braso nya sa bewang ko

"Tanggala ka ba naman, hindi pa ako nakakakapit bigla nalang lumipad ito" inis kong sabi

Hindi na siya sumagot kaya nanahimik nalang din ako at dinama ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko.

"Look down" mahina nyang sabi at awtomatiko naman akong napatingin sa ibaba

Napahawak ako sa braso ni Ethan ng mapansin kong sobrang taas pala namin at nag mimistulang mga langgam ang mga tao sa ibaba.

"You look terrified hahaha" pang aasar niya habang natatawa kaya mahina kong kunurot braso nya "Aww! I was just kidding!"

Pero ilang sandali pa ay naenjoy ko na ang tanawin sa ibaba lalo ng makita ko ang dagat na literal na kumikinang at medyo kulay pink na may halong kaunting light Violet.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko kay Ethan without glancing on him

"Be patience, malapit na tayo" aniya

Tumahimik nalang ako at hindi na muli nagtanong hanggang sa naramdaman kong bumababa na yung sea serpent. Naunang bumaba si Ethan at inalalayan nya naman ako. Luminga linga ako sa paligid pero puro puno na may iba't ibang kulay lang ang nakikita ko.

"Where are we?" tanong ko sakaniya

"We're in Azure" sabi niya kaya napakunot noo ko

"Azure? I never heard that place before" sabi ko

"Because this place is hidden. Baka nga tayo palang ang nakakapunta dito" sabi niya "But this isn't just a forest"

"Huh?"

He held my hand and dragged me somewhere. Sumunod lang naman ako dahil wala naman akong choice. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng tubig ng tubig na umaagos. Hinawi ni Ethan yung makakapal na dahon na nakalawit sa mga sanga saka kami pumasok doon.

Agad akong namangha sa sobrang ganda ng paligid. Natatakluban ng mga puno ang araw kaya hindi gaanong kaliwanag pero dahil sa mga alitaptap na lumilipad ay sapat ang liwanag sa paligid. May isang maliit na talon din sa gilid at may mababw na ilong sa ibaba nito. Merong mga iba't ibang bulaklak sa paligid at amoy na amoy ang sobrang napakabangong halimumyak nito

Binitawan ko kamay ni Ethan at lumapit dun sa may mababaw na ilog at bahagyang lumuhod sa harapan. Nilublob ko ang kamay ko at medyo malamig ang tubig nito pero sobrang linis. Kita ko ang maliliit na nga bato sa ilalim at pati na din ang reflection ko dito.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon