Diana's POV
Nakapag linis na kami ng sarili at nagamot na din mga sugat namin. Ngayon ay naandito kami sa may Water Kingdom pa din dahil kailangan pa namin magpahinga at sila lang ang may pinaka magagaling na healers sa buong Magia. We were currently sitting on the couch besides Miller, Ara, Adrian, my sister and the other students who were badly injured.
"Tita" napatayo kami ng dumating si tita Ariona, yes naman feeling close agad Diana
"How's Zen po?" tanong ni Miller
Buntong hininga palang ay alam ko na ang sagot "Her life is still in danger" simpleng paliwanag ni tita pero sobrang sakit na niyon para saamin
Zen saved us, we, the royalties. We were supposed to be the one who fought with queen Frea but she did our job. And now, I regret watching Zen earlier instead of helping her.
"Don't worry. I know my daughter, hindi kamatayan ang tatakot sakaniya" nakangiting sabi ni tita, she's so cool just like Zenadia
Ngumiti na din kami at tumango bago siya umalis saka kami muling napaupo.
"Sana maging ayos lang si Zen" naluluha na sabi ni Ara
"You heard tita, she'll be fine" pilit na ngiti ni Adrian kahit na alam kong nasasaktan din siya, lalo na't siya mismo ang pumatay kay Luke kanina na best friend niya.
Nakita kasi namin na muntikan ng atakihin ni Luke yung isa sa mga students at nakita din namin si Adrian na pinatay ang sarili nyang kaibigan. Hindi naman sa naiingit ako but Zen really have amazing friends anyone would wish to have.
Ara is a soft hearted girl while Adrian is like a cheerful tupe of guy who always be there for them. Too bad Luke isn't here, masyado niyang minahal ng todo si Zen and knowing Zen, kaibigan lang talaga turing nya kay Luke.
"Ate nakabalik na ba si Ethan?" napalingon kami kay Danica ng tinanong nya iyon
Kaya pala kanina pa hindi mapakali itong kapatid ko, hinahanap ang love of her life na hindi naman siya love.
"Hindi ko alam---" and that just hits me.
Agad akong napatayo at pumunta sa kwarto ni Zen dahil alam kong naandoon si Kade pero pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto ay ang mystic bubble at si Zen lang ang naandoon. Wala akong Kade na nakita.
Tumakbo ako papunta sa kusina para hanapin naman si Draven because knowing that prick, pagkain lagi hinahanap nun but he's also nowhere to found!
"Princess Diana, bakit mukhang balisa ka?" napalingon ako kay tito Joseph na naandito din pala sa Water Kingdom
Hindi agad ako nakasagot dahil sa hingal "S-Si Kade po?" tanong ko
"Sa pagkakatanda ko ay nasa kwarto siya ng anak ni Ariona" sagot nito
But he's not there, where could those two be!?
"Is there any problem?" kunot noo na tanong ni tito
Pilit akong ngumiti at umiling saka nag paalam na. Masyado ng maraming inaasikaso ang mga magulang namin dahil hari at mga reyna sila, ayaw ko naman na dagdagan pa problema nila.
Bumalik ako dun sa silid kung nasaan kami kanina. Sinalubong naman nila ako habang may pag tataka sa nga mukha.
"Ate bakit ba bigla bigla ka nalang tumatakbo!?" irita na tanong ni Danica pero hindi ko iyon pinansin
"Hindi pa nabalik si Ethan. Kade and Draven are not inside the palace also, sa tingin ko ay pinuntahan nila si Ethan sa Academy" sabi ko
"P-Pero diba naandoon pa yung sumaksak kay Zen?" tanong ni Ara
BINABASA MO ANG
The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a life, Nor a lady who needs hundreds of sweet words to make a man fall in love. Demon is her favor...