54 : Awake

4.9K 228 15
                                    

Zen's POV

"My dear daughter~.."

"..HAHAHAHAHA! Hindi mo ako matatakasan!.."

"..Run, run, run! HAHAHAHAHA run!!.."

"..Be patience, mag kikita din tayo"

Dahan dahan kong minulat mata ko at pakiramdam ko ay nakalutang ako sa tubig.

"Good morning Zenadia" napalingon ako sa gilid ko pero sobrang blurred ng paningin ko

Naramdaman kong unti unting nawawala yung tubig at bumukas yung parang glass. Tangina nasaan ba ako?

"Calm down, naandito ka sa palasyo ng Water Kingdom. We won't harm you" kalmado niyang saad

Naramdaman ko nalang lumutang ako at napahiga sa isang malambot na kama. Ilang sandali lang ay nakapag adjust na din ang mata ko sa paligid.

"Sino ka?" tanong ko at uupo na sana pero pinigilan niya ako

"Wag ka munang gumalaw galaw baka mabigla ang katawan mo" aniya "I'm Kris, ang pumapangalawa sa head healer" sabi niya at may sinuot saaking isang damit

Hubad pala ako kaya sobrang lamig. Pinilit kong ilingon ang paningin ko sa loob ng kwarto. Nasa isang mystic bubble pala ako kanina pero parang tinted yung halos kabuuan nito at ang nakikita lang siguro ay ang bahanging ulo.

"Bakit ako naandito?" tanong ko

"You don't remember?" taka niyang tanong "You fought with queen Frea"

Inalala ko yung pangyayari saka ko lang narealize na ang tanga ko pala. Hindi na ako sumagot at hinayaan na ipahinga nalang ang katawan ko hanggang sa makatulog ako.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog pero paggising ko ay madilim na. Umupo ako at lumingon lingon sa paligid, hindi na ito yunh kwarto kanina, mukhang nilipat ata ako. Tumayo ako at halos ma out of balance pa ako kaya agad akong napahawak sa kama. Ilang taon ba akong tulog at pati pag lakad ng maayos ay mukhang nakalimitan ko na!?

Wala akong makitang tsinelas okaya kahit anong pangsapin sa paa kaya nag yapak nalang ako. Umayos na ako ng tayo at pumunta sa pintuan dahil nagugutom na ako at wala namang pagkain dito sa loob bwisit kahit isang prutas wala. Ano bang klaseng mga tao ang bumibisita saakin at manlang nag dadala ng pagkain!?

Pagkabukas ko ng pinto at sumalubong saakin ang magara at mahabang pasilyo. Naandito pa ba ako sa palasyo ng Water Kingdom?

Tahimik akong nag lakad habang nakasuot ng isang kukay blue na damit na sobrang luwag. Para lang siyang hospital dress sa mortal world pero ang pinagkaiba ay halatang mamahalin ito dahil mah gold lines pa sa ibaba ng sleeves at pati na din sa laylayan.

"Lady!" may sumigaw mula sa likuran ko kaya napaharap ako sakaniya

They're wearing a formal medieval dresses pero mukhang servants lang sila. Tangina ganito ba kayaman ang mga royalties? Mas mayaman pa ata saamin itong maid nila eh

"Nako mayayari kami kapag nalaman nila na lumabas ka sa kwarto" sabi nito

"I'm fucking hungry and you want me to starve to death?" malamig na tanong ko dito

Mukhang natakot ko ata kaya parehas silang nalaatras at sasagot na sana ng may tumawag nanaman saakin mula sa likuran nila.

"Z-Zen? Zen!!"

Boses palang yan, nakakairita na, paano pa kaya ang mukha.

"Prince Draven" magalang na bati nung dalawang katulong at tumabi

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon