28 : Empire Of Witches

5.4K 268 6
                                    

Zen's POV

"The map said that we only have to pass a village of witches" sabi ni Diana

Halos isang oras nanaman ata kami nag lalakad dito sa may gubat pero hindi pa din namin maaninag ang labas.

"Wala bang shortcut Miller?" pagod na tanong ni Draven

"Meron pero ang entrance ng imperyo ay nasa harapan ng village na dadaanan natin" sagot niya

Ilang saglit na paglalakad pa ay nakita na din namin ang labas ng gubat

"Finally" sabi nila

Lumabas kami doon at bumungad saamin ang isang lumang village. Sobrang creepy at kabaliktaran ng nakita namin kanina. Lumang nga bahay na gawa sa kahoy at ilan ay gawa sa bato, mga vendors na nag titinda ng broomsticks at mga wands. May ilan din na nag titinda ng mga sumbrelo na pang witch, yung patusok sa itaas.

"It's creepy here" mahinang sabi nila

Naptigil kami nang may biglang dumaang mga kabataan na nag lalaro gamit ang mga potions.

"Matatalo na kita Jabi!" sabi ng batang laaki

"Hinding hindi mo ako matatalo Paul! Hahahaha" natigilan ako nang marinig ang pangalan na iyon

Ramdam ko na napatingin saakin yung dalawa, sina Kade at Ethan pero hindi ko sila nilingon.

"Tara na" sabi ko at sumabay kay Diana sa pag lalakad

Nag lakad na muli kami at pinag gigitnaan namin ni Danica si Diana habang yung apat na lalaki ay nasa likuran. Napansin ko na paunti ng paunti ang mga bahay at nag titinda at ilang saglit pa kaming nag lakad ay wala na kaming makitang mga bahay.

Napatingalan kami nang makita namin ang imperyo. Sobrang laki nito at kahit na may kalumaan ang disensyo ay hindi pa din mapag kakaila na sobrang ganda at nakakamangha ito. May nag tataasan na mga pader ang humaharang at isang gate na may nag babantay na anim na mga lalaking mangkukulam doon.

"Wow.." manghang sabi nila

Nag lakad kami papunta doon at agad na naalerto ang mga bantay. Yung dalawa ay sumakay mula sa broomstick nila at lumipad mula sa itaas.

"Hindi kami napunta dito para manggulo" sabi ni Kade

"Bago lang kayo sa aming mga paningin, sino kayo at anong pakay ninyo dito?" tanong nung isa at mukhang nag hahanda na ng isang spell

"We're from Magia. Binigyan kami ng misyon na hingin ang simbolo ng imperyo ninyo" sabi ni Ethan 

"Paano kami makakasigurado na hindi kayo mga kalaban?" tanong nung isa

Pumunta sa unahan si Miller at tinanggal ang kaniyang hood.

"Hayst nakakasakit ka naman ng loob, Gino" ssbi niya

"Miller" gulat na sabi nila

"Kasamahan ko sila kaya wag na kayong mabahala. Kailangan lang talaga namin ng simbolo ninyo" sabi niya

"Hihingin ko muna ang permiso ng emperor" sabi nung nasa itaas at lumipad papasok sa imperyo

"Kilala mo sila?" tanong ni Draven

"Yep!" sagot Miller

Ilang sandali lang ay bumukas na yung gate at umalis sa daan yung mga nag babantay.

"Maaari na kayong makapasok" sabi nung Gino at tumingin saakin

Inakbayan ako ni Miller at pumasok na kami sa loob.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon