Zen's POV
"Hindi ba kayo napapagod?" hingal na tanong ko at napahawak na sa tuhod dahil sa pagod
"Hindi pa nga tayo nangangalahati sa pamamasyal eh!" sabi ni Ara
"Kaya mo yan Zen hahaha" sabi ni Luke
"Oo nga. Isipin mo nalang na exercise itong pamamasyal natin" sabi naman ni Adrian
"This is a torture, not an exercise" sabi ko at umupo dun sa gilid ng fountain
"Sige may bibilhin nalang kami, hintay ka nalang dito" sabi ni Adrian
Sasama na sana sakanila si Luke pero inupo siya nina Ara at Adrian sa tabi ko.
"T-Teka---"
"Byee!!" sabi nila parehas at tumakbo paalis
"Hindi na ako magugulat kapag nagkatuluyan yung dalawa" sabi ko habang nakatingin pa din dun sa dinaanan nung dalawa
"Hindi mo pa ba alam?" tanong niya kaya patingin ako sakanya
"Ang alin?"
"Mag iisang taon ng nililigawan ni Adrian si Ara but because Ara is playing cupid she must not fall in love" napakunot noo ko sa sinabi niya "‘Cause when you love someone, kasama na doon yung pain and hatred. At kapag nakaramdam ng ganun si Ara ay baka madamay ang ibang mag kasintahan. It's one of Aras’ power, when she's feeling happy, some couple also feel happy and when she's in pain, there's a possibility that couples will also feel hatred to each other or worse, they might break up"
"Ohh.." napatango tango nalang ako
Great power comes with a stressful responsibilities huh?
"Kaya nga bilib ako kay Adrian dahil nagawa niyang na hintay ng ganun katagal. Pero kahit hind man sila, ramdam mo din siguro ang pagmamahalan nila sa isa't isa, diba?" tanong niya
"Ara is so lucky to have Adrian" sabi ko at mapait na ngumiti
"Ikaw Zen? M-May boyfriend ka ba?" utal niyang tanong
Bigla kong naisip si Paul "Yes, I have"
"A-Ahh.. g-ganun ba.." sabi niya at napaiwas ng tingin
Hindi ko na yun pinansin ang sinabi niya at bibalot na kami ng katahimikan. Ang mga damit ng ilan dito ay parang pang medieval kaya nag mumukhang makaluma. May ilang mga lumilipad lipad din sa itaas gamit ang abilities nila.
"Finally" tumayo ako nang nakita ko sina Adrian at Ara "Let's go, I'm hungry" sabi ko at naunang mag lakad pabalik sa may academy
Gusto ko mang gumamit ng teleportation dahil gutom na talaga ako pero hindi pwede, magtataka sila. Nang makarating kami sa may gate ay pinakita namin yung pin namin para malaman na student kami sa D.S. Pinapasok kami sa loob at nagmadali akong pumunta sa cafeteria pero nanlumo ako dahil sobrang daming tao doon.
"Ang daming students ngayon ah?" sabi ni Adrian
"Fuck I'm hungry. I can eat anyone at this moment" inis na sabi ko
"Z-Zen hehehe.. wag ka namang m-manakot" sabi ni Ara
"May kusina sa may dormitory kaso di ako marunong---"
Hindi ko na pintapos si Luke at agad na pumunta sa may dormitory. Natatakot lahat ng makasalubong ko, dahil siguro sa sobrang lakas ng aura ko ngayon. Ganito ako lagi kapag gutom at hindi makakain kaagad. Nang makapasok kami sa may kusina dito sa dorm ay agad kong nilibot tingin ko.
May pintuan doon at pagkabukas ko ay isang maliit na room iyon na umuusok usok pa. Freezer ata ito. Sinaraduhan ko iyon at binuksan yung katabing pintuan. Sakto lang ang lamig dito sa loob at puno ng iba't ibang mga gulay, prutas at mga ingredients.
BINABASA MO ANG
The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)
FantasyPURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a life, Nor a lady who needs hundreds of sweet words to make a man fall in love. Demon is her favor...