Zen's POV"Hey wake up sleepy head!" I heard Gina shouted while shaking me
"Damn. I'm awake" inis na sabi ko at umupo habang kinukusot kusot ang mata ko
"Good. Hindi mo naman siguro gusto na malate ka sa first class mo" sabi niya kaya napatingin ako bigla sakaniya
"Oh fuck, I forgot"
"Breakfast is ready. Bilisan mo na at hinihintay ka na ni kuya sa ibaba" sabi niya bago lumabas
Tumayo ako sa kumuha ng mga damit bago nagtungo sa banyo. Habang naliligo ay hindi ko maiwasan na isipin kung anong mangyayari saakin sa paaralan na iyon pero sa tuwing naalala ko ang mama ko ay agad na naglalaho ang kaba at napapalitan ito ng sobra sobrang galit at pagkamuhi.
Mas madali kong mahahanap ang may pakana ng pagpatay kay mama if I'll study. I need more information about this world. Inayos ko yung black blazer at tumingin sa nakatulang na salamin. Dark green, white and black checkered skirt na above the knee, black socks na may kaunting kahabaan, white long sleeves polo and black blazer.
Hinawakan ko yung necklace na galing kay mama bago bumaba. Nakita ko ang magkapatid na nakaupo saka napatingin saakin. Imbis na kulay green ay kulay red ang palda ni Gina dahil nasa 4th year na siya at ako ay nasa simula palang.
"Nice" sabay na sabi nila
Habang nakain ay muli naming napagusapan na gamitin ko daw muna ang apilyedo nila para walang magtaka, wala lang naman iyon saakin dahil gagamitin ko pa din bilang middle name ang Cai (Sa-yi)
"Tandaan mong mabuti ang lahat Zen" sabi ni Nicolo
Tumango nalang ako kahit na wala talaga akong naintindihan sa sinabi niya. Hindi ako nakikinig sakanila dahil alam ko na naman kung ano iyon, paulit ulit.
"Nasa labas na ang karwahe" sabi ni Gina, sakto na tapos na kaming kumain
"Take care, especially you Zen. Hindi pa natin alam kung sino ang totoong kalaban mo kaya mag iingat ka sa bawat makikilala mo at----"
"At wag basta basta mag titiwala. You know what Nicolo? You sound like my mother" sabi ko at tumayo
"Don't worry kuya. I'll keep an eye on her" sabi ni Gina
Lumabas na kami at may isa ngang magarang karwahe ang nag aabang doon, malamang, isang maharlika ba naman ang mga Krimson. Pumasok kami sa loob at magkaharap kami ngayon ni Gina.
"Bakit wala akong gamit?" tanong ko
"Sa head mistress mo kukunin ang gamit mo, tutal ay transferee ka lang" simpleng sagot niya
"Ang kapangyarihan ko?" tanong ko
Napairap siya bago sumagot "I knew it! You didn't listen earlier to kuya hayst" inis na sabi niya pero sumagot pa din "Tutal, ang malalaman nila ay pinsan ka namin sa father side ay dapat ay kapangyarihan ng kalikasan ang gagamitin mo. Pero isa pa rin talagang palaisipan saakin kung bakit nakokontrol monang iba't ibang kapangyarihan kahit na may kaunting kahinaan ka pa dito"
"Ask the sky"
"Yeah right" then she just rolled her eyes on me once again
Silence covered the atmosphere until we arrived to our destination, the Dotrian Stalin Academy. Pinagbuksan kami ng pintuan at saka kami bumaba. Bumungad saakin ang isang malaking gate na kulay puti at may mga linya na green, red, blue at gray.
May ilan pang karwahe ang naandoon at may mga katulad namin na naka uniporme din. Lumapit kami sa may gate at may mga nagbabantay naman doon.
"Just put your right hand on the top of the book and your name will be automatically registered" bulong saakin ni Gina kaya tumango nalag ako
BINABASA MO ANG
The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)
FantasíaPURPLE EYES TRILOGY BOOK 1 She's a queen who doesn't need a throne to command, A warrior who doesn't even need a sword---a scythe to take a life, Nor a lady who needs hundreds of sweet words to make a man fall in love. Demon is her favor...