CHAPTER 1

8 1 0
                                    

“ ZIYANG! BUMABA KA NA JAN! MAY BISITA KA! ” rinig kong sigaw ni Mama sa baba.

Napakamot ako sa ulo.

Maka Ziyang naman si Mama! Ang ganda ganda kaya ng pangalan ko! Ziandra Katie! Oh di ba? Dyosang dyosa ang pangalan! Oooppss! Wag na kayo umangal mga teh dahil sure akong dyosa din kayo katulad ko! Yieh! Umaasa sya! Hahahaha! 

 
Wag na kayong umasa dahil ako lang ang dakilang dyosa dito! Pero sige na nga! Maganda na kayo pero inuulit ko, ako lang dapat ang dyosa dito. Mwahahaha!

 
“ ZIYANG! WAG MONG PAGHINTAYIN ANG ASAWA MO! BUMABA KA NA DALI! ”

 
Hala sya! Asawa daw? Wala nga akong boyfriend asawa pa kaya? Liban na lang kung yayain ako ni Kuya Pogi! Gora ako mga beshie! Ang yummy kaya nang lips nya. Hihihihi!

 
“ ZIYANG!! ” Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na dahil baka mag-ala dragon na naman si Mama. Nakita ko syang naghihintay sa dulo ng hagdan.

“ Ma! Ang advance mo namang mag-isip! Wala pa nga akong boyfriend, asawa pa kaya? Mama, talaga oh! Parang sira! ” saad ko pagkalapit ko sa kanya.

Aba’y binatukan na naman ang dyosang si ako mga teh! Hindi lang ‘yun, kinurot pa ako sa binti beshie! Grabeng pagmamaltrato na ‘to ah!

“ Aray ko naman, Ma! May batok na nga, may pakurot pa! Wala namang akong ginagawa! ”

“ Umayos ka! Ang pogi ng mapapangasawa mo! ” napakunot noo ako sa sinabi ni Mama.

 
“ Luh! Anong asawa-asawa Ma! Inuulit ko. Wala akong boyfriend, Ma! Baka di mo narinig! ” Excited much lang! Maghahanap muna ako mudrabels.. Wag excited!

“ Ahem! ”  napalingon ako sa tumikhim.

 
Hala sya!!!

 
A-anong ginagawa ni Kuya Pogi dito?? Waaaahhhh!! Mamamanhikan na ba sya? Narealized nya na bang mahal na nya ako? I think I’m going to faint! Saluhin nyo ako mga beshie! Ang yummy ng nasa harapan ko!

Napatigil ako sa pantasya ko nang maramdaman ko na naman ang kurot ni Mama sa aking beywang. Lumayo nga ako. Grabe kasi si Mama. Nakakarami na! 

Sinenyasan lang ako ni Mama bago sya umalis at pumuntang kusina. Luh! Umalis pa. If I know makikinig din yan sa usapan namin ihh.

“Ahem! ” tikhim na naman ni Kuya Pogi kaya napakamot ako sa ulo.

 
“ May nakabara ba sa lalamunan mo Kuya Pogi at kanina ka pa tikhim ng tikhim? ” instead na sagutin tinaas nya lang ung tray na hawak nya.

“ Halo-halo? ” napatingin naman ako sa hawak nya. Andami ah! Binilang ko nga. 15 lahat mga teh! Kaya kumuha ako ng isa.

 
“ May bayad yan. ”

 
“ Wala akong pera, Kuya Pogi. Pero kung gusto mo, halik ulit! Hihi” Saad ko habang kumakain ng halo-halo.

 
Syempre go na go kapag halik! Hahaha! Nabitin ako kahapon ihh! Gusto ko pa sana bumalik pero wala naman akong pera pambili. Kaya ayun napanaginipan ko tuloy si Kuya Pogi! Hahaha!

 
Pansin ko namang ibinaba nya ung tray at lumapit sa akin kaya napatigil ako sa pagkain.

 
Hinawakan nya ako sa baba at walang pag-aalinlangan tumitig sa aking labi bago nya ako hinalikan.

 
O to the M to the G! Hindi lang isa mga beshie! Kundi labing limang halik! Labing lima!!! Imagine that!

 
“ 15 Halo-halo, 15 kisses. Not bad! ” nalunok ko ang sarili kong laway kaya dali dali akong humigop sa halo-halong hawak hawak ko at nilunok ito bago ako lumapit at hinalikan sya.

 
Syempre di ako magpapatalo noh! Pero tatlong beses lang kasi nakita ko si Mama na pinandidilatan ako ng mata sa kusina.

Napapakamot akong lumayo kay kuya Pogi. Panira talaga si Mama oh!

“ So? That’s a yes? ” napatingin naman ako kay Kuya Pogi nang magsalita sya. Pero anong ibig nyang sabihin sa yes?

 
“ Yes? Yes saan? ” kinuha nya sa akin ung halo-halong hawak ko at inilapag sa sahig. Ganun din ang ginawa nya sa ibang cup ng halo-halo. Inayos nya ito ng pa-horizontal at dahil curious ako ay umupo ako sa harap ng mga halo-halo.

 
Ano bang trip ni Kuya? Pasalamat sya Pogi at Yummy sya ah!

 
Unti unti nyang binaliktad isa-isa ung mga halo-halo at kita kong parang may nakasulat dito. Habang binabaliktad nya ito ay binabasa ko naman ito..

“ W-I-L-L-Y-O-U-M-A-R-R-Y-M-E-? ” lumayo ako konti para makita lahat. “ Will you marry me? ” basa ko ulit.

 
Nakipagtitigan ako sa kanya ng marealized ko kung anong nakasulat.

 
Waaaaahhh!! Ang dyosa ko talaga! Haba ng hair teh! Kinikilig ang lola nyo!!

 
“ Sinagot mo na kanina. 3 kisses means yes! ” saad nya bago sya tumayo at inilahad ang kamay sa aking harapan. Kinuha ko naman ito at tumayo.

 
Syempre wala nang pabebe pabebe pa! Ang gwapo na nang nasa harap ko tatanggihan ko pa ba? Syempre grab the chance na!

 
“ You’ll now forever be mine, baby! ” Hinapit nya ako sa beywang at siniil ulit ng matamis na halik.

Kyaaahhh! Halo-halo lang, nagkaroon na ako ng instant, asawa!

Yieh! Success ang dyosang ako!

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon