CHAPTER 20

6 1 0
                                    

Tumayo ako at maglalakad na sana ng biglang bumukas ang ilaw at tumutok ito sa may bandang likod ko.

Sinundan ko ito at bumungad sa akin si Kuya Pogi na matamang nakatingin sa akin habang nakahawak ng mic.

 
Nagkaroon din ng ilaw kung nasaan ako ngayon ngunit hindi ko ito pinagtuunan ng pansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa taong ilang hakbang lang ang layo mula sa akin.

🎵 105 is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you

Wake up every morning with you in my bed

That's precisely what I plan to do 🎵

 
Tumulo ang luha ko nang marinig ko syang kumanta dahil sa bawat salita ay ramdam ko ang magkahalong sinseridad at kaba mula dito.

 
Nakatitig lang sya sa akin na punong puno ng pagmamahal kaya di ko maiwasang makaramdam ng magkahalong kilig at saya.

🎵  And you know one of these days, when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

Will forever be enough, so there ain't no need to rush

But one day, I won't be able to ask you loud enough  🎵

 
Dahan-dahan syang naglakad palapit sa akin.

 
🎵  I'll say, " Marry me! "

I swear that I will mean it

I'll say, " Marry me! "

Singing

Oh, yeah  🎵

 
Di ko maiwasang tumawa nang iniba nya ang lyrics ng kanta..

 
Naalala ko nung tinanong ko sya kung kailan nya balak magtanong… Wala talaga syang balak mga beshie! Hahaha! He’s really not asking!!

 
Kaya naman bago pa sya makalapit sa akin ay tumakbo na ako palapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.

 
“ Pfft! I’m not done singing, Z! ”

 
“ I don’t care! ” naramdaman ko ang kaliwang kamay nyang yumakap sa aking baywang.

 
“ Pasaway ka talaga! ” tumawa lang ako sa komento nya.

 
Hinawakan nya ako sa baba at inangat ang aking ulo upang magtama ang aming paningin.

 
🎵 How many girls in the world can make me feel like this?

Baby, I don't ever plan to find out

The more I look, the more I find the reasons why

You're the love of my life 🎵

🎵 And you know one of these days, when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

Will forever be enough, so there ain't no need to rush

But one day, I won't be able to ask you loud enough 🎵

 
Napapikit ako nang idinikit nya ang kanyang noo sa aking noo.

 
🎵  I'll say, " Marry me! "

I swear that I will mean it

I'll say, " Marry me… " 🎵

 
Pagkatapos ng kanta ay sya namang pagbukas ng lahat ng ilaw kaya maliwanag ko nang nakikita ang mga mahahalagang tao sa aming buhay na masayang nakatingin sa aming dalawa.

 
Si Mama na umiiyak ngunit kita ko ang saya sa kanyang mga mata. Si Brianna at Maxine na magkadaop ang palad habang kinikilig na nakatingin sa amin. Isang babae at lalaki na nasa early 40s siguro na tingin ko’y magulang ni Kuya Pogi..

At ---- at--- May kapatid sya?!

 
Nakatingin ako ngayon sa lalaking masayang nakatingin sa amin. Tingin ko 16 years old pa lang ‘to mga beshie! Pogi din kaya pilahan nyo na! Hahaha!

 
“ Ziandra Katie Villanueva. ” napalingon ako kay Kuya Pogi nang banggitin nya ang buong pangalan ko.

 
Eh?

 
Nakaluhod sya ngayon habang hawak hawak ang isang kumikinang na singsing..

 
“ Here I am bended in one knee, not asking you anything because I’m commanding you. ” Huminga sya ng malalim bago sya tumingin ng diretso sa aking mga mata.

 
 “ I’m commanding you to be my girlfriend, to be my fiancée, to be the mother of my future children and to be the woman I’ll spend the rest of my life with. Marry me, Z! I know I never told you this in person! But please believe me when I say, I love you. I love you so much! Please let me spend the rest of my life with you, Z! ” nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy na nag uunahan palabas ang aking mga luha.

“ Franz Daryl Alcantara! My Kuya Pogi… The moment I met you ---- ”

 
“ Ooopps! Teka lang teh! Baka nakakalimutan mo proposal pa lang ‘to ha! Wag mo munang sabihin ang mga pangako mo! Tsaka na kapag ikakasal na kayo! ”  nakapamaywang na sabat ni Brianna kaya natigil ako sa dapat kong sabihin.

 
“ Panira ka naman, bakla! ” batok sa kanya ni Maxine kaya napatawa kaming lahat.

Hindi na ata magiging seryoso ‘tong kwentong ‘to! Hahaha!

 
Bumaling na lang ako kay Kuya Pogi.

 
“ Kuya Pogi.. ” huminga ako ng malalim bago ako ngumiti sa kanya.

 
“ Alam kong never ko ring nasabi ‘to sa’yo pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal din kita! And yes! I will spend the rest of my life with you, My Kuya Pogi! ” napatawa ako ng magloading pa ata ang mga sinabi ko dahil natigilan talaga sya mga beshie! Hahaha!

 
“ Hahahaha! I’m giving my yes, Kuya Pogi! ” nagulat ako nang dali-dali nya akong binuhat at inikot kaya napayakap tuloy ako ng mahigpit sa kanya.

 
“ Waaaaaahhh!! Kuya Pogi naman ihh! ” ibinaba nya ako at dahan- dahang siniil ng isang matamis na halik.

 
“ Thank you so much for making me feel this happiness, Z!! ” kita ko ang luhang pumatak sa mga mata ni Kuya Pogi kaya naman pinunasan ko ito.

 
“ I love you, Kuya Pogi… ”

 
“ I love you too, Z… ”

 
Wala na akong mahihiling pa mga beshie! I already got my own Kuya Pogi whom I promise I will only love in this lifetime…

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon