CHAPTER 18

5 1 0
                                    

“ Ano ba kasing gagawin natin dito? ” nakasimangot na saad ko sa dalawa.

 
Kasalukuyan na kaming nandito sa mall ngayon. Sinusundan ko lang sila dahil wala talaga akong idea kung saan kami pupunta at kung anong sadya namin dito.

 
Pagkatapos kasi nila akong hilain, inayusan nila ako. Para daw kasi akong timang sa itsura ko kanina. Pinilit nila akong magsuot ng isang knee length dress tapos isang 3inches na heels. Nung tinanong ko kung bakit, ang sagot ba naman nila di daw bagay sa pupuntahan namin. Tapos ang pupuntahan namin, mall lang pala! Akala ko pa naman sa isang party! Hayst!

 
“ Sumunod ka na lang kasi teh! Bilisan mo! ” nagmamadaling saad ni Maxine.

 
“ Hayst! Pag talaga ako nahilo mga teh! Sasapukin ko kayo! ” nayayamot na saad ko bago ko binilisan ang paglalakad.

 
Napahinto ako nang huminto rin sila. Parehas silang lumingon sa akin kaya napakunot noo ako.

 
“ Movie Theater? ” tumaas ang kilay ko nang nakita ko kung saan kami huminto

 
“ Seriously mga teh? Manonood lang tayo ng movie?! ” sarkastikong saad ko sa kanila.

 
Kainis naman mga teh! Nakatayo na sa harapan ko kanina si Kuya Pogi tapos hinila lang ako para dito?!

 
Walang gana akong tumalikod sa kanila. Pero bago pa ako makalayo humarang na sa akin sila Maxine at Brianna.

 
Napabuntong hininga ako.

 
“ Kayo na lang manood! Uuwi na ako mga teh! ” saad ko at lalampasan na sana sila nang hinawakan na naman ako ni Brianna sa kanang kamay at si Maxine naman sa kaliwang kamay at walang pag-aalinlangang hinila papasok.

 
Namumuro na sila ha! Kanina pa ako hinihila!

 
“ Aish! Ano ba naman yan mga teh! Uso magdahan-dahan! ” saad ko nang tinulak na lang nila ako basta papasok.

 
Lilingon sana ako sa kanila nang napansin kong madilim dito.

 
*gulp*

 
Walang kahit anong ilaw mga beshie!! Waaaahhh! Hindi ata ‘to movie theater ihh! Horror house na naman ata napasukan ko!! Huhuhu! Wala pa naman ung cellphone ko! Kinuha nila Maxine kanina!! 😭

 
Dahan-dahan akong naglakad habang nasa harap ko ang aking mga kamay at pinapakiramdaman kung may mahahawakan ako.

 
*bogsh*

 
“ Kyaaaahhhhh!!! ” pinaghahampas ko nang bag ung nabunggo ko.

 
Huhuhu! Aatakihin ata ako sa puso nito mga beshie!!

 
Eh? Teka nga!

 
Hinawakan ko ung nabunggo ko..

 
“ Ay shunga! Upuan lang pala! ” hawak ko pa sa aking dibdib.

 
Umupo na lang ako sa upuan dahil wala naman akong choice! Matulog na lang kaya ako?! Hahahaha!

 
Pipikit na sana ako nang may narinig akong tinig na syang dahilan ng  pagbilis ng tibok ng aking puso.

“ Zia…. ”

 
Napatayo ako..

 
Sigurado akong si Kuya Pogi ‘yun!

 
Unti-unting tumulo ang aking luha sa di ko malamang kadahilanan.

 
“ K-kuya Pogi? ” umaasang tawag ko sa kanya at pinilit maglakad kung saan ko narinig ang tinig nya kanina.

“ K-KUYA POGI! PLEASE! NASAAN KA?! ” desperada kong sigaw.

 
Wala na akong pakialam sa label na yan mga beshie! Ang gusto ko lang ngayon ay makita sya! Mayakap at mahagkan sya! Dahil miss na miss ko na talaga sya!

 
Pinunasan ko ang aking luha at pinilit maglakad kahit lagi akong natatapilok.

 
Napahagulgol ako ng iyak nang matapilok na naman ako.

 
“ Sh*t! Stay where you are, Z! ” narinig kong sigaw nya kasunod ng pagbukas ng pinto kung saan iniluwa nito si Kuya Pogi kaya mas lalo akong napahagulgol.

 
Tumakbo sya palapit sa akin kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa gilid.

 
Dali-dali akong yumakap sa kanya at iniyakap ko rin ang aking mga paa sa kanyang baywang at umiyak ng umiyak sa balikat nya.

 
“ K-kuya Pogi… *sniff* W-wala na akong pakialam kung wala kang balak magtanong.. *sniff* D-dito ka na lang, please! ” lumayo ako ng konti at tinignan sya na punong puno ng luha ang aking mga mata.

 
“ Stop crying, Z.. I’m not going anywhere! ” mahinahong saad nya habang pinupunasan ang aking mga luha.

 
Dahan-dahan nya akong hinalikan sa aking noo kaya napapikit ako.

 
“ I miss you so much, Z! ” saad nya pagkatapos ay naramdaman kong pinagdikit nya ang aming noo at unti-unti nya akong hinalikan sa aking labi.

 
Namiss ko din sya mga beshie!! 😭

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon