CHAPTER 15

2 1 0
                                    

Salubong ang kilay ko na nakatingin ngayon sa likod ni Kuya Pogi.

Nandito na kasi kami ngayon sa kwarto at napaggigitnaan namin si Baby Liam na mahimbing pa rin na natutulog samantalang si Kuya Pogi naman ay nakatalikod sa akin at kanina pa ako hindi pinapansin.

Naiinis na tumalikod din ako ng higa sa kanya.

Oo na! Kasalanan ko na.... Hindi na nga ako gumagawa ng kalokohan ihh! Bakit di nya pa rin ako pinapansin?

Napahigpit ang hawak ko sa bedsheet at kagat labing humarap sa kanya... Pinipigilan ang namumuong luha sa aking mga mata.

" K-kuya Pogi... " umaasang tawag ko sa kanya ngunit hindi man lang sya kumibo ni gumalaw sa kinahihigaan nya.

" K-kuya P-pogi... " tawag ko pa ngunit wala pa rin akong nakuhang sagot.

Unti-unting nagbagsakan ang kanina ko pa pinipigilang luha.

Please! Pansinin mo na kasi ako.. Hindi na ako gagawa ng kalokohan... Promise! Hindi na kita papahirapan! Hindi na kita tutuksuin kaya please naman pansinin mo na ako... Ang bigat bigat kasi sa dibdib ihh..

Pinunasan ko ang aking mga luha at tinakpan ko ang aking bibig para di ako makagawa ng ingay.

Ang lapit lapit nya lang pero pakiramdam ko napakalayo nya sa akin ngayon.. Bakit ganito? Ayoko nito! Ayoko nang ganitong pakiramdam... Ayoko talaga... Kaya naman dahan-dahan akong tumayo at pumunta sa harap nya..

" K-kuya P-pogi.. P-pansinin mo naman na ako, please! " kulbit ko sa kanya pero wala man lang syang reaksyon..

Pinahid ko ang luhang tumulo sa aking mata.

Hindi ko kaya ung ganito mga beshie... Prangkahin mo na ako... Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin sa akin, wag lang ung ganitong di mo ako papansinin kasi mas masakit ung ganito.. Lalo na kapag importanteng tao ung gagawa nito sa'yo.. Hindi ko kaya..

Humalukipkip ako sa gilid at napahagulgol ng iyak..

" Sh*t! Zia! " punong puno ng luhang tumingin ako sa kanya.

Rinig ko ang nagmamadaling yabag nya palapit sa akin kaya naman tumayo ako at dali daling yumakap sa kanya.

" Shh! Tahan na, Z.. Bakit ka ba umiiyak? " tinapik tapik nya ang aking likod kaya naman lumambitin ako sa kanya at humagulgol.

" A-akala ko k-kasi galit ka sa akin... *sniff* H-hindi mo kasi ako p-pinapansin ihh.. " iyak ko pa sa kanya.

Ramdam ko ang pagbuntong hininga nya bago sya umupo sa kama kaya naman ang posisyon namin ngayon ay paharap akong nakaupo sa kandungan nya habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

" Silly. Why would I get mad at you? I'm just having a headache that's why I easily fall asleep after I take the medicine. " lumayo naman ako ng konti at tinignan sya.

A-akala ko hindi na nya ako papansinin.... Huhuhu!

" T-totoo?! Y-you didn't ignore me on purpose?! " hikbi ko pa pero hinawakan nya ang aking mukha at pinahid ang aking mga luha.

" Zia.. " malumanay nyang saad at tinignan ako diretso sa aking mata.

" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " makahulugang saad nga bago nya ako hinalikan sa aking noo kaya naman yumakap ulit ako ng mahigpit sa kanya.

" K-kahit lagi kitang tinutukso? "

" Pffft! Y-yes! " napasimangot ako nang marinig ko syang magpigil ng tawa.

" Just make sure the next time you tease me, ready ka na.. " humarap ako sa kanya.

" Niloloko mo naman ako ihh. "

" I'm not! I already told you, didn't I? The next time you tease me, di na ako magpipigil. And I mean what I said, Z! " seryoso nya akong tinignan sa aking mga mata kaya naman napalunok ako at dali-daling ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib.

Akala ko nakalimutan na nya! Huhuhu!

Narinig kong tumawa sya kaya naman di lang namumula ang aking mukha dahil sa pag-iyak kundi pati na rin dahil naalala ko ung nangyari kanina.

*gulp*

Waaaahhh! Pinaalala pa kasi ihh!

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon