CHAPTER 7

5 1 0
                                    

“ Ma! May sasabihin ako sa’yo.. ” seryosong saad ko sa kanya. Nandito sya ngayon sa sala habang nanonood ng kung anu-ano.  

“ Kung kabaliwan yan Zia, hay naku! Wag na! ”

“ Hindi, Ma! Seryoso talaga! ” napatigil naman sya sa paglipat ng channel at mataman akong tinignan.

 
“ Kami na ni Kuya Pogi… ” diretsa kong saad. With matching serious look pa mga beshie ngunit tumayo si mama, lumapit sa akin at binatukan ako.

 
“ Ikaw talaga! Di mo na kailangan mag imbento para lang payagan kitang lumabas ha! ”

 
Napakamot ako sa batok.

Akala ko makakalusot! Hahaha! Naniwala kayo noh?! Hahaha!

 
“ So papayagan mo na akong lumabas, Ma? ”

 
“ Abay, san ka ba pupunta? ” taas kilay na tanong ni Mama.

 
“ Gagawa ng baby, Ma! Hahaha! ”  kita kong nagsalubong ang kilay ni Mama kaya binawi ko agad.

 
“ Joke lang, Ma! Makikipag-date talaga ako kay Kuya Pogi! Kaya, babush na Ma! ” turan ko at dali-daling lumabas. Mahirap na baka di ako payagan mga beshie! Date pa naman ‘to! Yieh!

“ ZIA!! Pag bumalik kang may dalang bata, itatakwil talaga kita! ” rinig kong sigaw ni Mama kaya napalingon ako sa kanya.

“ Pag nangyari ‘yun Ma, di na ako babalik para di mo na ako itakwil! Hahaha! ” natatawa na lang akong umalis dahil kay Mama na napapa-iling na lang sa kabaliwan ko. Hahaha..

 
                            ****

Nandito na kami ngayon sa isang amusement park at kasalukuyan kong pinilipit ilagay ang bimpo sa aking likuran. Kaya lang teh, di ko talaga abot! Huhuhu!

Kaya naman, lumapit ako kay Kuya Pogi at nakasimangot na inilahad sa kanya ang bimpo.

“ Palagay sa likod, Kuya Pogi! ”  saad ko pero napakunot noo ako nang mapansin ko ang sunod sunod nyang paglunok. 

 
Eh? Hahahaha! Namumula na rin sya mga beshie! Ilalagay lang sa likod ihh. Hahaha!

 
“ Ayieh! Nahihiya sya! Hahaha! ” tukso ko pa sa kanya. Hahahaha! Ang cute nya! Hahaha!  

 
Pilit kong hinuhuli ang tingin nya pero iwas sya ng iwas. Hahaha!

 
“ Zia! Wag makulit! Isa! ”

“ Sige bahala ka jan! Ipapalagay ko ‘to sa iba! Maghahanap ako ng lalaki! ” kunwaring saad ko at tumalikod sa kanya kaya lang hinawakan nya ako sa kamay at hinila palapit sa kanya. Kaya ang ending nakasandal na ako ngayon sa kanyang dibdib…. Kyaaahhh! Tinusok, tusok ko nga! Hihihihi! Ang tigas mga beshie!

 
“ Don’t you ever do that, Z! Wag mo akong susubukan! ” salubong ang kilay na saad nya.

 
Hindi ko pinansin ang sinabi nya at dali-daling iniyakap ang aking mga kamay sa kanyang beywang.

Hahaha! Di ko ‘to palalampasin mga beshie noh! Hihihihi!

Kinuha nya ang bimpo sa akin at maingat na inilagay ito sa aking likod. Oo! Maingat mga beshie kasi hindi man lang lumapat ung kamay nya sa likod ko. Hihihi! Kinikilig ako! Hahaha!  

 
“ Ulitin mo, Kuya Pogi! Hindi naman nakalagay sa bra ko ihh! ” iniangat ko ang aking ulo at tumingin sa kanya.

 
“ B-b-bra? ” ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso nya at ung mukha nya, di na maipinta.

 
Wahahahaha! Pahirapan nga natin!

 
“ Oo! Ipailalim mo sa bra ko! Tanggalin mo muna ung hook tsaka mo ilagay ung bimpo. ” Pfffttt!! Hahahaha! Hindi ko ‘to kaya mga beshie!! Hahaha!

 
“ Y-you’re kidding, right? ”

 
“ Hindi!! Ilagay mo na, bilis! ” pigil tawa kong saad.

 
“ Zia! Hindi pwede! Makikita nila ung likod mo! ”

 
“ Edi gawan mo ng paraan! Hahaha! ” wala na syang nagawa kundi italikod ako sa kanya.

 
Nakita kong lumuhod sya at dahan dahang ipinasok ang kamay nya sa loob ng aking damit.

 
“ Ihh?? Paano mo matatanggal kung di ka nakatingin? ” Paano ba naman sa iba nakatingin mga teh tapos pulang pula na ung mukha nya. Hahaha!

 
“ Just stop talking, Z! You’re torturing me! ” Hahaha! Alam ko! Sino ba namang matinong babae ang mag-uutos nito? Wala di ba? Kasi nga nag-iisa lang ako! Hahaha!

 
Nang matapos sya’y, kita ko ang malalim nyang paghinga..

“ You’re such a tease! ” akusa pa nya kaya natawa na lang ako. Hahaha! 

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon