“ Kuya Pogi! Ibaba mo na lang si Baby Liam! Ako na lang buhatin mo! ” pagod na saad ko sa kanya.
Kanina pa kasi kami palakad lakad dito mga teh! Naghahanap ng gatas ni Baby Liam pero hanggang ngayon wala pa rin kaming nahahanap. Pati mga magulang nya, wala mga beshie! Huhuhu! Kami sana ni Kuya Pogi ung nagd-date ihh! Pero heto kami ngayon nag-aalaga ng bata. -_- Hayst! Iniwan pa kasi sa amin..
Lumingon ako sa likod nang walang sumagot.
Napakunot noo ako.
Iba kasi ung liwanag dito. Medyo dim sya tapos wala akong makitang Kuya Pogi sa likod ko kundi konting liwanag lang na korteng parisukat sa dulo…“ Booo!! ”
“ Waaaaaaaaahhhhh! ” walang alinlangan kong tinulak ung white lady na humawak sa balikat ko! Huhuhu! Horror House itong napasukan ko mga beshie! Takbo! Huhuhu!“ Aray naman teh! Makatulak wagas?! ” rinig ko pang sigaw nito kaya lumingon ako sa kanya. Nakasalampak sya ngayon sa sahig habang hawak hawak ang kanyang balakang.
“ Di ko kasalanan! Ikaw nanggulat teh! ” sigaw ko pabalik.
“ Hihihi! Ang saya mo namang kalaro! Bilisan mo tumakbo! Parating na ako! ” kita kong unti-unti syang tumayo at ngumiti sa akin ng nakakatakot.
Napalunok ako.“ W-wag kang l-lalapit! ” sigaw ko pabalik sa kanya pero ngumisi lang sya at tumakbo palapit sa akin.
Naningkit ang aking mga mata.
Hinahamon ata ako nito ha!
Kahit natatakot ay tumakbo rin ako palapit sa kanya. Kita ko pa ang pagkunot ng noo nya kaya ngumisi rin ako sa kanya. Aba’y hindi lang sya ang pwedeng ngumisi noh!
Nang malapit na kami sa isa’t isa ay gumilid ako at pinatid sya.“ Pfffft! Wahahahaha! Makapagsabi kasi ng ‘parating na’ wagas ihh! Ano ‘yun teh? Parating na sa sahig? Hahahaha! ” napahawak pa ako sa tiyan ko katatawa. Ang epic nya teh!
O ha! Hindi nya inaasahan ‘un mga beshie kaya sumubsob sya sa sahig! Hahaha!
“ Oh! May libreng props ka na pala teh! Mas bagay mo na maging white lady! May dugo na ihh! Hahaha! ” tawa ko pa nang lumingon sya sa akin na dumudugo ilong nya tapos may bukol pa sa noo nya. Hahahaha!
“ Sige teh, babush na ha! Galingan mo pananakot! Hahaha! ” tumakbo ako palayo nang makita kong sinasamaan nya ako ng tingin. Hahaha!
Takbo lang tayo mga beshie! Makikita rin natin ang labasan! Pero syempre di nawawala ang mga halimaw kaya ayun pinagsasampal ko silang lahat! May nakita pa akong mangkukulam, sinabunutan ko nga! Ang Pangit ihh!
Kaya heto ako ngayon, tumatakbo habang hinahabol ng mga halimaw na sinaktan ko. Hehehe! Sila naman unang nanggulat kaya malamang ganyan aabutin nila. Hahaha!
Walang tayong kasalanan mga beshie ha! Hahaha!
Tumigil muna ako sa pagtakbo. Nakakapagod ihhh!!! Sangkaterba ba naman ang humabol sa ‘yo, sinong di mapapagod?! Hay!
Huminga ako nang malalim at tatakbo na sana ulit ng may biglang humawak sa paa ko kaya sa gulat, tinadyakan ko mga beshie. Ayun! Sapol sa mukha! Hahaha! Nagmarka pa ata ung sapatos ko ihh! Hahaha!
“ Aray! Hospital ata bagsak ko nito! ” rinig ko pang saad nito pero di ko na pinansin nang makita kong parating na ung mga halimaw na humahabol sa akin sa pamumuno ni ateng white lady.“ Wag kasing manggulat, Kuya! Para di matadyakan! ” bilin ko pa bago ako tumakbo.
Sa wakas mga beshie! Kita ko na ang labasan! Yieh! Success!
Ang saya pala sa Horror House! Hahaha! Matry nga ulit! Hahaha!Pagkalabas ko’y dali-dali kong nakita si Kuya Pogi na prenteng nakaupo sa isang bench habang sinusubuan si Baby Liam. Nakasimangot na lumapit ako sa kanila.
“ Bat nyo ako iniwan?! ” madramang saad ko at umupo sa tabi nila.
“ Pffft! You get in by yourself, Z! It’s not our fault! ” pigil tawa pa nito kaya hinampas ko sya. Bumuntong hininga ako pagkatapos at sumandal sa kanya.“ Tired? ” lingon nya sa akin kaya tumango lang ako.
“ Pa-recharge.. ” saad ko at yumakap sa kanya.
Pinikit ko ang aking mga mata at naramdaman kong hinalikan nya ako sa ulo bago ako tuluyang nakatulog.
BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...