“ Zia! Ano na nga ulit bilin ko bago ka umalis ha?! ” nakapamaywang na saad ni Mama sa bungad ng pinto.
Napakamot ako sa batok.
“ Itatakwil mo ako Ma kapag bumalik akong may dalang bata! Hahahaha! Kalma lang, Ma! Ano ka ba! Hindi ko ‘to anak, Ma! Hahaha! ” tatawa-tawa kong saad bago pumasok habang hawak-hawak si Baby Liam na mahimbing na natutulog sa balikat ko.
Wala kasi mga magulang ni Baby Liam mga teh! Gumawa ata ng kasunod! Pati si Aling Marta, wala! Kaya no choice ang mabait at dyosang ako kundi iuwi si Baby Liam.
Si Kuya Pogi naman, wag kayong mag-alala nasa likod ko lang! Hihihi! Rinig ko pang binati nya si Mama bago sila sabay na pumasok.
“ Kuya Pogi! Pabuhat muna si Baby Liam! ” saad ko pagkalapit nya bago ko dahan-dahang ibinigay si Baby Liam sa kanya.Umakyat ako sa hagdan pero di pa ako nangangalahati nang magtanong si Mama.
“ At saan ka naman pupunta, ha? ” nilingon ko si Mama na salubong ang kilay.
“ Kukuha ng gamit, Ma! Maglalayas na kasi ako! May huling habilin ka ba Ma bago ako umalis? ” kunot noong turan ko sa kanya.
Rinig ko pa ang pagpigil ng tawa ni Kuya Pogi kaya napalingon ako sa kanya na kasalukuyang nakaupo sa sofa kaya lang nakita ko si Mama sa gilid na inalis ang suot nyang tsinelas at walang anu-anong ibinato ito sa akin.Syempre umilag ako mga teh! Alangan naman saluhin ko! Hahaha! Sinundan ko pa ito ng tingin nung lumampas ito sa akin. Hahaha! Hindi ako tinamaan!
Lumingon ako kay Mama na nakangiti…
*pak*Aray mga teh! Huhuhu!
Paglingon ko ba naman, sumalubong sa akin ung isang tsinelas ni Mama.. Huhuhu! Nailagan ko nga ung isa, tinamaan naman ako nung isa! Waaaahh!
“ Mama naman! Nagbibiro lang ako! Magpapalit lang ako ng damit, Ma! ” reklamo ko sa kanya at nakasimangot na umakyat papuntang kwarto. Baka batukan na naman ako ihh! Hayst!
Pagkababa ko’y rinig kong nag-uusap si Mama at Kuya Pogi.
“ Yes tita. I will! ”
Eh? Tapos na? Ano namang pinag-usapan nila?Lumapit ako sa kanila pero tumayo naman si Mama dahil may tumatawag sa kanya.
Nagkibit balikat na lang ako bago ako tumabi kay Kuya Pogi.“ Pinagtimpla mo na ba sya ng gatas, Kuya Pogi? ”
“ Do I need to? ” kunot noo nitong saad
“ Eh?! Kuya Pogi naman! Gutom na yan panigurado! ” kinuha ko ung mga binili naming milk bottle at pinakuluan ito bago ko ito nilagyan ng maligamgam na tubig at tinimplahan ng gatas.
Bakit ko alam? Sa youtube mga teh! Search nyo lang! Hahaha!Dahan dahan ko itong ibinigay kay Baby Liam at buti naman iniinom nya.
“ It suits you, Z.. ” napahinto ako at dahan dahang lumingon sa kanya.
Napalunok ako mga teh!
Paano ba naman titig na titig si Kuya Pogi sa akin tapos ang lapit lapit pa ng mga mukha namin. Kyaaaaahhh!!Halikan ko kaya? Hahaha! Wag na! Nanjan si Mama ihh. Nakatingin pa sa akin. Sayang!
Tumikhim na lang ako kunwari.
“ Ikaw na nga maghawak, Kuya Pogi! ” sabay pahawak ko sa kanya ng milk bottle“ Pffft! Hahaha! You’re blushing, Z! ” Hala sige! Tukso pa! Huhuhu!
“ Kuya Pogi naman ihh! Bala ka nga jan! ” iniwan ko nga. Ang lakas kasi makatukso ihh!
“ Zia.. “ tawag sa akin ni Mama kaya lumapit ako sa kanya.
“ Ikaw na muna bahala dito sa bahay ha. I need to fly to Cebu in an hour. Nagkaroon kasi ng problema sa isang branch ng company doon kaya kailangan kong i-check. ” tuloy tuloy na saad ni Mama bago sya pumunta sa kwarto nya.Ano daw mga beshie? Aalis si Mama? Waaaaaahhh! Ang swerte ko talaga! Yieh!
Nakangiti kong sinundan si Mama sa kwarto nya at naabutan ko syang nag-eempake ng gamit nya.
" Ma! Doon na lang kaya ako matulog kina Kuya Pogi?! "
" Wag mo akong subukan, Zia! Makakatikim ka talaga sa akin! "
" Hahaha! Wala kaming gagawin, Ma! Promise! " hirit ko pa pero tinignan lang ako ni Mama nang mapanuri.
Awkward akong ngumiti sa kanya at nagpacute pa kaya napailing-iling si Mama. Hahaha!
“ Wala akong tiwala sa’yo Zia… ” turan ni Mama bago sya nagsimulang magtupi ulit ng damit.Napakamot ako sa ulo. Grabe naman sa walang tiwala! Ang sakit ha!
“ Pero kay Daryl, malaki ang tiwala ko… ” diretso sa matang saad nito sa akin.
“ Papayagan kita pero ngayon lang dahil kay Liam! Pero tandaan mo.. No crazy thoughts allowed! Ikaw pa naman, pag gumana kabaliwan mo sige agad! May mabalitaan lang ako Zia, lagot ka talaga sa akin! ”“ Hahaha oo na, Ma! Promise! Wala akong gagawing ikakagalit mo. ” saad ko bago ako lumapit sa kanya at niyakap sya.
“ Ingat ka, Ma! ” saad ko at dali-daling lumabas ng kwarto.
“ Halika na, Kuya Pogi! Alis na tayo!! ”“ Saan tayo pupunta, Z? ” pagtataka nito.
“ Sa bahay nyo, Kuya Pogi! Doon ako matulog! Hihihi! ”
“ WHAT?! ” ngumiti lang ako ng matamis sa kanya.. Excited na ako! Kyaahhh!*****
Sa isip nang Mama ni Zia..
“ Goodluck na lang sa’yo, Daryl! Sana makatiis ka… Mga bagay lang na ikakagalit ko ang hindi nya gagawin.. Kaya alam kong punong puno na ng kalokahan ang isip nya ngayon… ”
BINABASA MO ANG
Dessert Series: Halu-Halo
Romance" I don't care if you tease. I don't mind if you want me to suffer. Kahit pa punong puno ka ng kalokohan, willing akong sakyan lahat ng trip mo, Z! I will never get mad at you! Please remember that! " - Franz...