CHAPTER 17

2 1 0
                                    

Nakatingin ako sa reflection ko sa salamin ngayon. Gulo-gulo ang aking buhok at malalalim ang aking eyebags.

 
Isang linggo na rin ang nakalipas magmula nung sinabi ni Kuya Pogi na wala syang balak magtanong sa akin. At isang linggo ko na rin syang hindi pinapansin kasi nag-iisip ako pero hanggang ngayon wala pa rin akong maisip mga beshie!! Aish!

 
Napabuntong hininga ako.

“ Hindi ka pa rin ba sumusuko? ” lumingon ako sa nagsalita.

Palapit sa akin si Maxine habang nasa hamba naman ng pinto si Brianna.

 
Ngumiti ako ng tipid.

“ You know what? Sukuan ko na lahat but he’s the only person I can’t give up. Ever! ” seryoso kong saad na syang nakapagpatahimik sa kanila.

“ Kyaaaahhh! Teh! Kinikilig ako! ” maya-maya’y sigaw ni Maxine kaya napakunot noo ako.

 
“ Ako din, teh!! Akala ko puro kalokohan lang alam ni Zia! Hindi ko ineexpect na makakapagsabi sya ng ganun! Waaaahhh! Dalaga na talaga sya!! ” hirit pa ni Brianna na pumasok na rin dito sa restroom ng mga BABAE!

 
Akala ko naman seryoso na sila, nakalimutan kong baliw pala sila. -_- Binatukan ko nga!

 
“ Aray naman teh! Makabatok wagas! ” Irap sa akin ni Brianna kaya binatukan ko ulit.

 
“ Baka nakakalimutan mong lalaki ka at nandito ka ngayon sa restroom ng mga BABAE! ”

“ Baka nakakalimutan mo rin na wala kayong label ni Kuya Pogi kaya mag- isip isip ka na rin! ” natahimik ako sa sinabi nya. Sapul ihh!

 
Tapos may nabasa pa ako kagabi. Kung bakit daw mahalaga ang label. Ang sabi ba naman ‘Sweet relationship without label is toxic. Imagine may lupa ka pero wala kang titulo, technically you have no right.’

 
Oh di ba?! Mas lalo tuloy akong nastress nung nabasa ka ‘yun! Huhuhu!

 
Naglakad na lang ako palabas at iniwan silang nagsisisihan dun nang makita ko si Kuya Pogi kaya napahinto ako sa paglalakad.

 
Napalunok ako nang huminto rin sya di kalayuan sa akin at tumingin ng diretso sa aking mga mata.

 
Namiss ko sya mga beshie! Huhuhu!

 
Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya.

 
“ Kuya Pogi! Namiss kita!! ” paiyak kong saad. Naramdaman kong niyakap nya ako pabalik at hinalikan sa aking ulo.

 
“ Please stop avoiding me, Z! ” rinig kong saad nya kaya humiwalay ako at nakipagtitigan sa kanya.

“ Ikaw naman kasi ihh! Wala kang balak magtanong! Nakakainis kaya ‘yun! Aish! ” sinuntok suntok ko sya dahil sa inis pero hinawakan nya lang ang aking mga kamay, binuhat at dali-daling isinandal sa pader.

 
Unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napalunok ako.

 
“ A-anong gagawin mo, Kuya Pogi? ”

 
“ I miss you, Z! ” saad nya lang bago nya ako siniil ng matamis na halik kaya napapikit ako at dinamdam ito..

 
Kyaaaaaahhhh!!!!

 
*poink*

 
“ Earth ‘toh, teh! Wag kang magday-dream jan! ” Tinignan ko si Maxine ng paiyak.

 
Panira talaga oh! Ayun na ihh! Bati na kami! Pero imagination ko lang pala.. Huhuhu!

 
Oo mga beshie! Nandito pa rin ako nakatayo sa pwesto ko kanina. Hindi ako tumakbo palapit sa kanya!

 
Waaaaahhh!! Ang saklap! Bahala na mga teh! Namimiss ko na talaga sya!!

 
Naglakad ako palapit sa kanya.

 
“ Oopps! San ka pupunta ha? ” hawak ni Maxine sa damit ko kaya napahinto ako.

 
“ Teh naman! Kita mo na ngang papunta ako kay Kuya Pogi ihh! ” 

 
“ At bakit ka lalapit, aber? ” taas kilay nyang tanong.

 
“ Syempre teh para magbati na kami! At para makahalik na ulit ako sa kanya! Hihihihi! ” Waaaahhh!! Naiimagine ko na mga beshie!

 
“ Hindi ka lalapit sa kanya kasi sasama ka sa amin! ” matigas na saad nya bago sya lumingon kay Brianna.

“ Bakla! Hawakan mo sa kabilang kamay! Baka pumalag ihh! ”  napanganga ako sa ginawa nila.

 
“ WAAAAHH! MGA TEH!! BITAWAN NYO NGA AKO! PUPUNTAHAN KO PA SI KUYA POGI! ISA! HARRASSMENT ‘TOH! IDEDEMANDA KO KAYO! HUHUHU! KUYA POGI HELP! ” paano ba naman mga teh! Sapilitan nila akong hinila palayo kay Kuya Pogi! At ang mas masaklap! Tinawanan lang ako ni Kuya Pogi!

Huhuhu! Ung kiss ko, wala na tuloy!!

Dessert Series: Halu-HaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon